^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Corruption sa RP, daming winawasak

-

NAGSALITA na si Supreme Court Chief Justice Reynato Puno ukol sa namamayaning corruption sa bansa. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang chief justice ay nagsalita ukol sa katiwalian. Aniya, isa nang “pariah” ang tingin ng international communities sa Pilipinas dahil sa malawak na corruption sa pamahalaan. Kahit saan daw lugar sa pamahalaan ay laganap ang katiwalian, maging sa publiko at pribado. Nagsalita si Puno sa paglulunsad ng moral force movement sa Manila Episcopal Area of the United Methodists Church (UMC) in the Philippines kung saan isa siyang miyembro.

Hindi na nakatiis ang chief justice at mariing sinabi na maraming winawasak ang corruption sa bansa. Kabilang aniya rito ang lahat ng institutions, pinahi­hina ang seguridad at dahilan para bumagal ang pag-unlad ng ekonomiya. Hinahadlangan ng corruption ang mga hakbangin ng bansa. At sabi pa ni Puno, malulutas lamang ang problemang ito ng gobyerno sa pamamagitan ng moral force. Dapat aniyang mag­kaisa ang lahat para malabanan ang corruption.

Ang problemang corruption ay matagal nang namamayani sa Pilipinas. Tama ang sinabi ni Puno na sinisira nito ang institutions at pinahihina ang pundasyon kaya naman hindi makagalaw ang eko­nomiya. Ang corruption din ang dahilan kaya mara­ming naghihirap sa kasalukuyan. Sinisimot ng mga matatakaw ang pera sa kaban at wala nang natitira para gamitin sa kapakinabangan ng taum­bayan. Maraming maysakit na namamatay na lamang na hindi makatikim ng gamot, hindi rin sila madala sa ospital sapagkat walang maipangdedeposito. Kailangan pang pumila ang mga maysakit para maadmit sa mga ospital ng gobyerno.

Nagkakaroon naman ng mga imbestigasyon ang Senado ukol sa nangyayaring corruption pero hang­gang imbestigasyon lamang at walang makitang tiwaling opisyal na naitatapon sa kulungan. Pawang nakalulusot ang mga “matatakaw na buwaya” at mag­ papalamig lamang para muling sumalakay sa kaban. Pabalik-balik lang sila. Paitlog-itlog. Walang pagkaubos.

Tama ang sinabi ni Puno na dapat magkaisa at laba­nan sa pamamagitan ng moral force ang kati­walian. Pero mas mabuti kung magiging marahas ang batas laban sa mga tiwali. Katulad sa ibang bansa, na isina­salang sa bitayan ang mga magnanakaw. Madaling nililitis ang kaso at ilang buwan lang ay iniaakma na ang lubid sa leeg o ang espada na ibabagsak sa ulo.

ANIYA

CORRUPTION

DAPAT

MANILA EPISCOPAL AREA OF THE UNITED METHODISTS CHURCH

PILIPINAS

PUNO

SHY

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE REYNATO PUNO

TAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with