^

PSN Opinyon

Pagdating ni Mancao, lalabas ang katotohanan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MAAARING ibinabando ni Sen. Ping Lacson dito sa Pili­pinas na gusto niyang makauwi sa bansa ang dating tauhan niya na si dating Supt. Glen Dumlao subalit iba ang gina­gawa niya sa US kung saan nilalabanan ng huli ang kanyang extradition case. Nakakuha tiyak ng pogi points si Lacson sa pagbando niya na dapat makauwi sa bansa si Dumlao para ituwid nga na wala siyang kinalaman sa pagpaslang kina publicist Salvador        Dacer at driver niya na si Emmanuel Corbito.

Subalit kung abot-langit ang suporta ni Lacson sa pagbalik ni Dumlao sa bansa, taliwas naman ang ginagawa ng mga supporters niya sa US na namonitor ng gobyerno na tumutulong ke Dumlao para manatili siya sa US nga. Ang tinutukoy ng mga kausap ko sa MPD ay sina Lerma Facto na business associate ni Lacson at alyas Jay. Itong sina Facto at Jay ay namataan sa California kung saan nakabase sa ngayon si Dumlao. Kinu­ kumpirma pa ng gobyerno kung sina Facto at Jay ang nasa likod ng $100,000 bail ni Dumlao sa US court.

At may balita pang kumakalat sa MPD na si Lacson ay patagong nakikipagkita sa asawa ni Dumlao na si Juliet. Kasi nga may intelligence report na itong pagiging guest   ni Lacson sa Cabatuan, Isabela kamakailan ay smokes­creen lang ng meeting nila ni Juliet, na tubo naman ng malapit na bayan ng Cabagan. Matapos kasi ang forum niya sa mga empleado ng munisipyo, si Lacson ay na-monitor ng intelligence operatives na nag-check-in sa Amity hotel kung saan nagpalipas siya ng gabi.

At kinabukasan nga, nagkaroon ng breakfast meeting sina Lacson at Juliet. Matapos ang pag-uusap nila ni Lacson, si Juliet ay na-monitor na nagpa-interview sa isang radio station kung saan inihayag niya ang linya ng kampo ni Lacson na gusto niyang makabalik sa bansa ang kanyang asawa. Mino-monitor sa ngayon ng gobyerno kung si Juliet din ang ginagamit ni Lacson para iparating ke Dumlao sa US ang mga messages ng una. Ano ba ‘yan? Hehehe! Ingattt!

Hindi lang ‘yan. Noong Marso 12 at 13 nakita rin si Lacson na kausap si Juliet sa isang lugar malapit sa Narag hospital, ayon sa mga kamag-anak ng asawa ni Dumlao. Sa tingin ng mga kausap ko sa MPD kasi, si Dumlao na ang huling baraha ni Lacson para maiwasan niya ang kulungan. Maliwanag na hindi na niya kayang diktahan ang isa pang dating bata niya    sa PAOCTF na si Sr. Supt. Cesar Mancao na nagbigay na ng    affidavit na itinuturo si Lacson na siyang nagmando para utasin sina Dacer at Corbito.

Kaya ginagawa ng kampo ni Lacson na hawakan si Dumlao kasi kapag sinang-ayunan niya ang testimonya ni Mancao, tiyak swak si Lacson sa karsel, di ba mga suki? At goodbye na din sa presidential ambition ni Lacson. Kaya kung anu-anong isyu na lang ang ibinabato ni Lacson sa Palasyo para makuha niya ang simpatiya ng sambayanan. Sa pagdating ni Mancao sa bansa, tiyak lalabas ang katotohanan. Abangan!


vuukle comment

CESAR MANCAO

DACER

DUMLAO

EMMANUEL CORBITO

GLEN DUMLAO

KAYA

KUNG

LACSON

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with