^

PSN Opinyon

Wow! Mali

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

SA ginanap na 1st Dr. Benito Reyes Memorial Lecture on “Ethics in Politics” sa PLM kamakailan, naibahagi ni dating Senate President Jovito Salonga ang kanyang kara­nasan sa filing ng Statement of Contributions and Expenditures matapos ang Presidential Elections ng 1992. Maaalalang si Sen, Salonga ay pumang-lima kina FVR, Miriam, Danding, at Mitra. Pang-anim si Imelda at 7th si Doy Laurel. Nagulat si Salonga nang malaman na ang kanyang ginastos ay mas malaki pa sa dineklara ni Imelda. Ang implikasyon ni Senator Salonga ay habang tunay ang deklarasyon ng kanyang ginastos, ang iba’y nagsinungaling sa kanilang mga statement.

Ang pagtapat sa publiko ng Statement of Contributions and Expenditures sa kampanya ng isang kandidato ay bahagi ng reporma ng ating election laws. Alam ng lahat na ang kampanya ay paraan upang ipaabot sa publiko ang iyong kandidatura at plataporma. Siyempre, hindi ito magagawa nang walang gastos. Diskumpiyado naman ang tao na ang mga paniwalang pulitikal ng kandi­ dato ay naimpluwensyahan na ng pera. Sobra nang dungis ng reputasyon ng halalan sa ating bansa na kina­ilangan ang mga ganitong “public disclosure laws” upang masinagan ang mga pangyayaring nagaganap sa dilim.

Malaki ang maitutulong nito upang: (1) malaman natin kung sinu-sino ang nasa likod ng kandidatura; (2) laba­nan ang corruption dahil sa paglantad ng mga nag­donasyon na agad paghihinalaan kung bigyan ng pabor; at (3) ma-rekord ng mabuti ang impormasyong kailangan ng batas nang madali rin itong ma-check kung nasunod nga o hindi.

Sa ganitong background kailangang basahin ang pinakahuling kontro­ber­syang kinasangkutan ni Vice President Noli de Castro ukol sa kanyang Statement of Contributions at Expenditures sa 2004 Vice Presidential Elections. Bilang sagot ni Vice sa paratang na financier niya si Celso de los Angeles ng Legacy Group, inamin niya na supporter ito noong 2004 campaign at nag­bigay lang daw ng tar­paulin streamers. Subalit nang kinonsulta ng ABS-CBN ang kanyang Statement, wala naman siyang dinek­la­rang ga­noong donas­yon. Round 2 na ito ni Vice pagdating sa Statement of Contributions and Expenditures. Noong takbo niya sa Senado sa taong 2001, P32.4 million ang dekla­radong gastos pero P3.9 million lang ang dinekla­rang kontribusyon. Ibig sabihi’y sarili niyang gastos ang halos P 28.5 million na balanse, bagay na hindi naman maipali­wanag ba­tay sa kanyang Statement of Assets and Lia­bilities.

Ang gulong kinasasang­kutan ngayon ni Vice President De Castro ay patunay lang na may pakinabang din ang election reform laws sa hangaring mabalik ang dangal sa ating electoral process.

DOY LAUREL

DR. BENITO REYES MEMORIAL LECTURE

IMELDA

LEGACY GROUP

PRESIDENTIAL ELECTIONS

SALONGA

SENATE PRESIDENT JOVITO SALONGA

SENATOR SALONGA

SHY

STATEMENT OF CONTRIBUTIONS AND EXPENDITURES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with