^

PSN Opinyon

Kapit sa patalim

- Al G. Pedroche -

INIHAHANDA raw ng Department of Justice ang kasong perjury o pagsisinungaling laban sa rape victim na si Nicole na ang totoong pangalan pala ay Suzette Nicolas. Sa ganang akin, hindi masisisi si Nicole kung nagpaareglo man at tuluyang umatras sa kasong rape laban sa US serviceman na si Lance Cpl. Daniel Smith. Kapit sa patalim marahil ang nangyari.

Kapalit ng kanyang pag-urong ang halagang P100,000 at ang pagpunta niya sa Amerika para doon na mamir­mihan. Maliit ang halaga ng pera pero hindi ang pagpunta sa Amerika to stay there for good. Kahit sinasabing may financial crisis sa Amerika, itinuturing pa rin ng marami na ito’y isang “land flowing with milk and honey.” Marahil, pinangakuan siya ng magandang buhay ng pamahalaang Amerika basta’t huwag na lang niyang idiin si Smith sa karimarimarim na kasong panggagahasa.

Ang masaklap, binaliktad niya lahat ang kanyang naunang deklarasyon. Nag-apoy ang damdamin ng buong sambayanan sa malungkot na kuwento ni Nicole na nung una’y ikinubli pa ang tunay na pagkatao para pangalagaan ang kanyang karangalan. Pero ngayon, iba na ang kanyang istorya. Sinabi niya na dahil sa matinding kalasingan, kusa siyang nagpaubaya kay Smith at hindi siya ni-rape gaya nang una niyang salaysay. Nakonsen­sya raw siya kaya ngayo’y isinisiwalat ang buong katotohanan.

Ngunit umatras man siya sa kaso ay huli na. Nahatulan na si Smith bagamat nasa kustodiya pa rin ng US embassy habang wala pang desisyon sa kanyang apela sa Court of Appeals. Sabi ng dating abogado ni Nicole na si Evalyn Ursua, immaterial na ang pag-atras ni Nicole sa kaso dahil ang rape ay isang public crime. Kung may silbi man daw ito, ito’y para impluwensyahan ang mga justices na aakto sa apela ng kampo ni Smith. Hindi na si Nicole ang naghahabla kundi ang mga mamamayan ng Pilipinas.

Marami ang nagalit kay Nicole lalo na yung mga kababaihan na nagmalasakit sa kanyang causa at sumupor­ta sa kanyang laban. Ba­ga­mat hindi ko sinisisi si Ni­cole sa kanyang pagpapa­areglo, hindi rin masisisi ang milyung Pilipino na nagalit sa kanya. Sa pagsa­sabing lasing siya at kusang isinuko ang kanyang puri kay Smith ay kasiraan sa bawat kababa­ihang Pilipino. Lalong ba­baba ang tingin ng mga dayu­han sa mga Pilipina at aakalaing    lahat ay madaling sungkitin.

But it seems, pragmatism had its way in Nicole’s decision. Bakit nga naman siya magpa­ pa­tuloy sa pakikipaglabang magdudulot ng matinding tens­yon kung puwede naman siyang bigyan ng magandang kapalit sa kanyang karangalang nawasak?

AMERIKA

COURT OF APPEALS

DANIEL SMITH

DEPARTMENT OF JUSTICE

EVALYN URSUA

KANYANG

LANCE CPL

NICOLE

PILIPINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with