^

PSN Opinyon

Tiba-tiba sa kooperatiba

- Al G. Pedroche -

SA harap ng pandaigdig na financial crisis, magandang tumalakay tayo ng mga paksa tungkol sa pagpapasigla ng ating kabuhayan at job generation.

Isa sa mga proven approach kaugnay nito ay ang konsepto ng kooperatiba. Kapag pinag-usapan ang kooperatiba, laging pumapasok sa isip ko si Makati Congressman Agapito Butz Aquino, kinikilalang haligi ng kooperatibismo sa bansa.

Balita ko’y haping-hapi si Butz sa pagdiriwang ng EDSA I last week. Kasi Naisabatas noong Pebrero 17, ilang araw bago ang selebrasyon — ang Cooperative Code of 2008. Pet project kasi ni Butz ang pagpapaunlad ng kooperatiba. Ito lamang kasi ang tsansa ng mga common-tao na ma­kabuo ng negosyo sa pamamagitan ng pagsasama- sama ng kanilang puhunan. This is the true essence of freedom gaya nang ipinaglaban sa unang EDSA hindi ba? Ang tinatawag na paglaya sa kahirapan.

Sa unang EDSA People Power Revolution, si Butz at ang kanyang mga kasama sa ATOM o August Twenty One Movement ang unang nanawagan sa sambayanan na magtipon sa EDSA at sumuporta kina PC Chief Fidel Ramos at Defense Minister Juan Ponce Enrile para ma­lansag ang diktadurya.

Siya rin ang nagsulong para maging batas ang RA 6938 nang siya ay Senador pa kaya siya nagkaroon ng reputasyong ama ng makabagong kooperatiba. Sa pa­mamagitan ng batas na ito ay makakaasa tayo sa lubos na suporta ng pamahalaan sa mga maliliit nating kababayan na gustong bumuo ng kooperatiba para makapagsimula ng negosyong magpapaunlad sa kanilang kabuhayan.

Noong 2003, nasa P113 bilyon sa savings deposit ang na­ipasok ng kooperatiba sa ekonomiya. Aba, huwag ismolin. 10 porsyento ito ng pambansang budget sa natu­rang taon.

Ngayong kabi-kabi-la ang nababalitaan nating nawawalan ng trabaho sa buong mun­do, mala­king kontri­busyon ang cooperatives sa paglu­tas ng kawalan ng tra­baho. Noong 2006, ito ay na­kapagbigay ng 1.636 milyong trabaho at 1.56 milyong noong 2005 at 1.495 milyon na­man noong 2004.

With Butz around, sana’y lalo pang umun­lad ang larangan ng kooperatiba. Ang utol ni Ninoy ay kasalukuyang chairman ng Cooperative Center of the Philippines. Chairman emeritus din siya ng National Cooperatives Movement na siyang gumi­giya sa lahat ng mga kooperativa sa bansa. Ayon sa Cooperative Development Authority, ang bilang ng mga koo­pe­ratiba sa bansa ay nasa 75,000 na.

AUGUST TWENTY ONE MOVEMENT

BUTZ

CHIEF FIDEL RAMOS

COOPERATIVE CENTER OF THE PHILIPPINES

COOPERATIVE CODE

COOPERATIVE DEVELOPMENT AUTHORITY

DEFENSE MINISTER JUAN PONCE ENRILE

KOOPERATIBA

MAKATI CONGRESSMAN AGAPITO BUTZ AQUINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with