^

PSN Opinyon

Pork barrel muna bago health service?

- Al G. Pedroche -

ANO ba naman iyan! Sa nilulutong pambansang budget para sa taong 2009, dinagdagan ng mga Senador ng P20-bilyon ang kanilang pork barrel. Naku, halatang-halata naman ang ulterior motive diyan.

Ngunit hindi iyan ang nakakasulasok ng dugo. Habang pinalobo ang budget sa pork barrel, binawasan naman ang pondo para sa apat na specialty hospital ng pama­halaan.

Ang pinakamalaking bawas ay sa Philippine Heart Cen­ter na ang dating P417 million na badyet na inapro­bahan ng House of Representatives ay ginawa na lamang P236 milyon ng Senado. Ang P315 milyon na inilaan ng Mababang Kapulungan para sa National Kidney Center ay ginawa na lamang P198 milyon ng Senado. Napaka­laki rin ang pinungos sa budget ng Philippine Children’s Medical Center at Lung Center of the Philippines.

Bagamat may mga mayayaman ding dinadala sa     mga pagamutang ito, nakikinabang din ang mga mahi­hirap na may maselang karamdaman sa mga specialty hospital na ito na pinasimulan pa noong panahon ni dating Pre­sidente Marcos. Ngunit papaano makapagpapa­tuloy ng charitable services ang mga ospital na ito kung kapus sa budget?

Kawawa ang health and medical service ng pama­halaan para sa mga maralita. Marahil ay sasabihin ng mga Senador na may patutunguhan ding maganda ang kani-kanilang pork barrel, at iyan ay sa kanilang pet projects. Pero kung susuriin, masyadong personal ang kanilang layunin. Panahon na naman ng eleksyon at natural, ang pork barrel ay napa­ka­mabisang paraan para pag-guwapuhin ang mga mambabatas.

Marahil ay dapat pu­malag si Sen. Ping Lacson diyan. Afterall, siya lang ang nalala­man kong Senador na hindi kumukubra ng pork barrel.

Sana naman, maki­latis na mabuti ng ating mga pinagpipitaga-nang Mambabatas ang mga prayoridad na dapat nilang sundin. Sila ay inihalal ng ta­umbayan at ang ka­lusugan ng samba­yanan ang dapat nilang gawing pra­yo­ridad.

HOUSE OF REPRESENTATIVES

LUNG CENTER OF THE PHILIPPINES

MABABANG KAPULUNGAN

MARAHIL

MEDICAL CENTER

NATIONAL KIDNEY CENTER

NGUNIT

SENADOR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with