Kris Aquino CD: Bakit ito espesyal?
MARAMI ang nakakita sa amin sa nangungunang morning show na Boy and Kris. Maraming beses na kami nag-guest sa Boy and Kris, at dahil dito ay may naging personal na obserbasyon ako kay Kris:
1. Matalino siya –- Hindi alam nang marami pero kakaiba ang talino ni Kris sa mga bagay-bagay maging sa medikal, cooking at world events. Mabilis siyang mag-isip at kakaiba ang energy niya sa kamera. ‘Yung tipong alam mo na may “laman” ang isip niya.
2. Very Honest – Very direct si Kris sa kanyang mga guest. Kung ano ang nararamdaman niya, iyan ang sasabihin niya. Sa TV kasi, dapat ay “in the moment” ka o iyung sasabihin mo ang unang nasa isip mo.
3. Matalas ang isip –— Kung ang ibang mga hosts ay may mahabang script at idiot boards na binabasa, si Kris ay laging memoryado ang script. Pag upo mo pa lang, alam na niya kung saan pupunta ang usapan.
4. Magaling makinig at mag-react —– Kapag nagpapaliwanag kami ng medikal na paksa ay nakikita kong todo kinig si Kris. Talagang pinakikinggan at namememorya niya ang mga health tips. Nabasa ko na tinuruan siya maigi ni Senador Ninoy Aquino.
5. Matulungin –— Sa ngayon ay pinakikinggan ko ang CD ni Kris na “The Greatest Love, A Special Tribute to Pres. Corazon C. Aquino” Very touching ang regalo niya sa kanyang ina na ngayon ay may sakit ng colon cancer. At ang lahat ng kikitain ng CD ay ibibigay ni Kris sa RMO Cancer Foundation para makatulong sa iba.
Marahil nagtataka kayo kung bakit espesyal sa akin ang CD ni Kris. Ang katotohanan sa kasalukuyan ay nararanasan ko rin ang pag-aalala at pagkabahala ni Kris, dahil ang aking ama ay may sakit din ngayon.
Ang napakabait kong ama ay 86 na ang edad at kung pagbibigyan pa ng Diyos ng ilang panahon ay ikagagalak na ming mag-anak. Sa CD na handog ni Kris, nakikita ko ang lahat ng pagmamahal niya sa kanyang ina. Ganoon ding pagmamahal ang nararanasan namin ngayon para sa aming maysakit na tatay.
Magkaroon tayo ng pag-asa. Magpasalamat sa Diyos sa bawat araw na ibinigay niya. Tumulong sa kapwa. Iyan lang ang ating magagawa sa mundong ito. God bless po.
* * *
E-mail: [email protected]
- Latest
- Trending