^

PSN Opinyon

Diwalwal bidding bakit apurahan?

SAPOL - Jarius Bondoc -

NGAYON naman inaapura ng Arroyo admin i-bid out sa private operator ang Diwalwal gold mine. Sa masikip na deadlines ng Philippine Mining Development Corp., corporate arm ng DENR, dapat nakapag-sumite ng letter­ of intent nu’ng Oktubre 14 at nag-qualify nu’ng Nob­yembre 7 para makapag-bid sa Nobyember 24. Tila nais ng PMDC, na kalilipat lang kamakailan direkta sa ilalim ng Mala­cañang, na maisantabi agad ang proseso. Bakit kaya?

Dalawa ang rason, anang insiders:

Una, kailangan mabura agad ang naunang gusot na pinasukan ng Malacañang: ang ilegal na pagbigay nu’ng Hulyo 2006 ng mining rights ng Diwalwal sa Chinese ZTE Corp. Sakit ng ulo ni Presidente Gloria Arroyo ang pagpirma ni Sec. Peter Favila, sa ilalim ng “special authorit­y” niya, na papasukin sa mining operations ang isang dayuhang kompanya. Sanhi ito ng bagong impeachment laban kay Arroyo, sa kasong culpable violation of the Constitution. Kapag nai-bid out na ang Diwalwal, mapapalabas nilang hindi natuloy ang 2006 kasunduan ni Favila sa ZTE.

Ikalawa, kailangan maibalato sa pamamagitan ng lutong makaw na bidding ang Diwalwal gold mine sa isang crony. Anang insiders, utak last-two-minutes na ang Arroyo admin. Kumbaga, alam nito na malapit na sila mawala sa puwesto, kaya gumagawa na ng mga mid­night deals. Bilang paghahanda sa pag-alis, nami­migay sila ng mga makakatas na kontrata sa mga katoto, na mag-aalaga sa kanila sa pamamagitan ng kickback sa kinabukasan.

Ang Diwalwal ay nakalaan na sa isang crony na dating opisyal sa Malacañang. Kamakailan lang laman ng balita ang crony na ito dahil nagdala ng isang Chinese mining firm sa Manila. Sa Chinese miner na ito ibibigay ang Diwalwal contract. May kinalaman din ang crony na ito sa pagpasok ng ZTE sa Diwalwal nu’ng 2006. Hindi nga lang malinaw sa ngayon kung may ugnayan ang ZTE at ang Chinese miner.

* * *

Lumiham sa [email protected]

ANANG

ANG DIWALWAL

BAKIT

BILANG

DIWALWAL

MALACA

PETER FAVILA

PHILIPPINE MINING DEVELOPMENT CORP

PRESIDENTE GLORIA ARROYO

SA CHINESE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with