^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa credit card syndicate

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MABUTI at may presence of mind ang negosyanteng si Theresita Mago, 44, ng SSS Village, Concepcion Dos sa Marikina City. Kung wala, natangayan siya ng P230,000. Dahil sa kanyang presence of mind, naiwasan ni Mago na maging biktima ng credit card syndicate at naging daan pa siya para maaresto ang dalawang miyembro nito. Sinubukan kasi nina John Eric de Mesa, 24, at Ryan Labado, 27, mga taga-Bgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City na lansihin si Mago subalit di-umubra ang tamis ng dila nila. Sa ngayon, nakakulong na sina De Mesa at Labado at nanawagan si Marikina City police chief Sotero Ramos Jr., sa mga biktima nila na magpunta na sa himpilan nila para madagdagan ang kasong swindling­ na hinaharap nila. Binalaan din ni Ramos ang publiko na ’wag nang makipag-deal sa mga taong hindi em­pleado ng banko dahil may posibilidad na mabiktima sila ng credit card syndicate. Kaya listo lang mga suki. Gayahin ang presence of mind ni Mago.

 Sa tingin naman ni Mago may kakutsaba sina De Mesa at Labado dahil alam nila ang location ng bahay niya, pati numero ng telepono at maging ang birthday niya. Pumasok tuloy sa isipan ko ang kaso ng Citi Bank noong ’90’s kung saan natuklasan ng NCRPO na may isang empleado pala sila na na­kuhang i-print out ang mga pangalan ng credit card customers nila at ipinasa ito sa sindikato. May posi­bilidad kaya na ang kakutsaba nina De Mesa at Labado ay taga-Banco de Oro mismo? Dapat arukin ito ni Col. Ramos dahil sa tingin ko, malaking sindikato ang natibag niya. Ayon kasi sa mga suspect, may tumawag lang sa kanila na puntahan ang bahay ni Mago at ipatupad ang modus operandi nila. Kaya lang, mas listo at matalino sa kanila si Mago na nag­giya sa pulisya para arestuhin sila, he-he-he! Ma­buhay si Mago. Talagang tama ang kasabihang, ma­talino man ang matsing ay napaglalangan din.

 Ayon kay Ramos, nagulat si Mago nang tumawag sa bahay niya noong Oktubre 15 ang lalaking nagpa­kilalang taga-cardholder service department ng Banco de Oro na nagpapahanda sa kanila ng ID photo nila para sa kanyang personalized credit card. Kinabukasan, sumipot sina De Mesa at Labado sa gate ni Mago na may dalang notice na i-deactivate na ang luma niyang credit card at ang personalized card niya ay makukuha na sa Oct. 20. Nagduda si Mago sa nakita niyang notice na dala ng dalawa. Kunwari itong pumasok sa kanyang kuwarto at tina­wagan si SPO4 Rogelio Atienza at presto… arestado ang dalawang mokong.

Sinabi ni Ramos na kung napasakamay nina De Mesa at Labado ang credit card ni Mago na may credit limit na P230,000, tiyak nag-iiyak na ang negosyante. Kasi nga mamimili sina De Mesa at Labado noong week­end hanggang maubos ang laman ng credit card. Dahil sarado naman ang mga banko, walang pama­maraan si Mago na i-check ang status ng credit card n’ya. Sana gayahin ng publiko si Mago para hindi sila mabiktima ng credit card syndicate. Sana ma­bulok sina De Mesa at Labado sa kulungan para hindi na sila pamarisan.

CARD

CREDIT

DE MESA

LABADO

MAGO

MARIKINA CITY

MESA

NILA

RAMOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with