^

PSN Opinyon

Pilipinas mapanganib sa Chinese criminals

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAY travel advisory raw ang pamahalaan ng China sa mga mamamayan nito na iwasan ang pagtungo sa Pilipinas dahil mapanganib para sa kanila.

Naniniwala ako rito, ngunit hindi para sa lahat ng Chinese kundi sa lahat ng elementong criminal, Chinese man o mula sa iba pang mga bansa.

Nagkataon naman na mga Chinese na kasapi sa mga international crime syndicate ang may pinakamaraming akti­bidad sa ating bansa—kidnap for ransom, droga, cyber scams at iba pa.

Madalas, kapag sila’y hinuhuli, may mga napapatay kaya tama ang travel advisory. Mapanganib talaga ang Pilipinas para sa kanila.

Iyan ang dahilan kung bakit ipinahinto ng pamahalaan ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) dahil naga­gamit na instrumento ng mga Chinese criminals sa sari-saring krimen.

Ang diperensiya, binabaliktad ng Chinese government ang sitwasyon. Ang mga Pilipino ang pinalilitaw na kontrabida at Chinese ang mga biktima. Mabuti nga kung ipagbabawal ng China na magtungo sa Pilipinas ang mga mamamayan nito.

Malamang kasi na infiltrators ito na sisikaping makakuha ng Philippine citizenship at kakandidato for public office. Nang­yari na ito at nawa’y huwag nang maulit pa.

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with