^

PSN Opinyon

Patas ba o hindi patas?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Marami ang nagtatanong kung patas ba ang narating na kasunduan nina President Bongbong Marcos at U.S. President Donald Trump? Sa nabanggit na kasunduan, ang 20 porsi­yen­tong taripa na sisingilin ng U.S. sa mga inaangkat na kalakal sa Pilipinas ay ibinaba sa 19 percent, o kabawasang isang porsiyento.

Kapalit nito, pumayag si Marcos na hindi na papatawan ng taripa ang mga kotse ng U.S. na iluluwas sa Pilipinas. Tama ba at lohikal ito, o baka naman may benepisyong makukuha ang Pilipinas sa pagbubukas ng market sa mga U.S. made cars?

Paliwanag kasi ni Marcos, hindi na papatawan ng tariff ang mga kotseng mula sa U.S. kapalit ng pagbubukas ng pami­lihan sa Pilipinas. Sa ngayon kasi, ang mga sasakyang nangu­nguna sa Pilipinas ay mula sa Japan, South Korea at maging China.

Kung palalawakin ang market ng U.S. cars sa Pilipinas at ‘di papatawan ng taripa, magiging very competitive ang mga sasakyang gawa sa U.S. Magiging mura ang halaga at ma­kikipagsabayan sa Asian cars.

Ang benepisyo ay sa U.S. pa rin, hindi ba? So, bakit mataas pa rin ang taripang sisingilin ng U.S. sa Philippine products gayung batid ng U.S. na mahirap tayong bansa?

Tingin ko, hindi ito mutually beneficial. Matagal na tayong kaalyado ng U.S. at pinakinabangan tayo pati sa mga giyerang sila ang nagpasimula.

Sa ilalim ng administrasyon ni Trump, hindi na kinikilala ng U.S. ang pinagsamahang ito. Ang gusto ni Trump ay kabig nang kabig na lang at ‘di na pinagmamalasakitan ang kapakanan ng maliliit na bansa.

DONALD TRUMP

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with