^

PSN Opinyon

EDITORYAL — May itinumba na namang brodkaster

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — May itinumba na namang brodkaster

NGAYONG 2025, dalawang mamamahayag na ang napapaslang. Ang pinakahuling pinaslang ay ang kilalang radio commentator at brodkaster na si Erwin “Boy Pana” Segovia, broadcaster at station ma­nager ng Radyo Gugma sa Surigao del Sur. Pinagbabaril si Segovia sa Bgy. Mangagoy, Bislig City noong Lunes ng umaga. Tinamaan sa ulo si Segovia na agad nitong ikinamatay.

Ayon sa Bislig City Police, sakay ng kanyang motorbike ang biktima matapos ang programa nito sa radio nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki. Mabilis na tumakas ang mga suspek. Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pagpatay kay Segovia. Nag-alok naman ng P1-milyong pabuya ang isang dating mayor para sa ma­kapagbibigay ng impormasyon sa killers ni Segovia.

Sa termino ni President Ferdinand Marcos Jr. walong mamamahayag na ang napapatay, kabilang si Segovia. Matutulad din kaya ang kaso ni Segovia sa iba pang ma­mamahayag na pinaslang at hindi naisilbi ang hustisya.

Noong nakaraang Abril 29, 2025, binaril at napatay sa loob ng kanyang tahanan sa Kalibo, Aklan ang bete­ranong mamamahayag na si Juan “Johnny” Dayang, 89. Si Dayang, naging mayor ng Kalibo noong 1986 ay dating newspaper columnist at reporter at naging pre­sident ng ­Publishers Association of the Philippines Inc.

Noong Oktubre 2024, pinatay si Maria Vilma Rodriguez, 56, ng Bgy. Tumaga, Zamboanga City. Si Rod­riguez ay reporter ng Brigada Station at host ng public affairs program ng 105.9 EMedia Radio. Pinagbabaril siya sa harap ng bahay. Noong Setyembre 18, 2022, pinatay ang radio broadcaster na si Rey Blanco ng Mabinay, Negros Oriental. Pinagsasaksak siya habang pa­tungo sa pinaglilingkurang radio station. Hindi pa nahuhuli ang killer ni Blanco.

Noong Okt. 3, 2022, binaril at napatay ang veteran broadcaster na si Percy Lapid habang patungo sa kanyang tanggapan sa Talon Dos, Las Piñas. Hindi pa naaaresto si dating BuCor director Gerald Bantag na “utak” sa krimen.

Noong Mayo 31, 2023, binaril at napatay ang broad­caster/commentator na si Cresenciano Bunduquin ng Bgy. Sta. Isabel, Calapan City, Oriental Mindoro. Noong Nob­yembre 5, 2023,  pinagbabaril ang radio broadcaster na si Juan Jumalon sa Calamba, Misamis Occidental.

Sino pa ang susunod kay Segovia? Tuparin ng pamahalaan ang pangako na puprotektahan ang mga mamamahayag. Sikapin naman ng Philippine National Police (PNP) na mahuli ang killer ni Segovia at ganundin ang iba pang mamamahayag na pinaslang. Itigil ang pagpatay sa mga mamamahayag.

BROADCASTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with