^

PSN Opinyon

Ilegal na pasugalan, isarado mo Verzosa!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

PANIS at walang kamandag ang laway ni PNP chief Dir. Gen. Jesus Verzosa sa mga pasugalan sa bansa. Ito ang bukam­bibig ng dismayadong mamamayan na kumukontra sa mga pasugalan.

Kung seryoso si Verzosa na puksain ang sugalan, wala na dapat maririnig na umaangal sa mga kapitalista ng sugalan. Ang dapat sa kanila, isaradong tuluyan para wala nang magrereklamo, di ba Gen. Verzosa?

Kung walang pasugalan sa bansa tiyak na mawawala rin ang akusasyon ng mga ilegalista sa sobrang pagtaas ng tara ng mga kolektor. Katulad na lamang sa usapin na ang bagong upong hepe ng Criminal Investigation and Detection Group- National Capital Region Police Office (CIDG-NCRPO) na si Sr. Supt. Isagani Nerez ang gina­gasgas ng kanyang kolektor sa pagtaas ng tara.

Si SPO4 Arnel Cruz umano ang nanalo sa pa-bidding upang makopo ang lingguhang intelihensya, he-he-he! Tiyak aapaw ang bulsa ni Nerez sa mga darating na araw.

At habang tumatabo si Cruz sa gambling operators tiyak babaho na naman ang PNP at ang tatamaan ay si Verzosa. Kung nabusog si Nerez ng lingguhang intelihensiya ng jueteng ni Fernando Alimagno alyas Boy Bata sa Panga­sinan, ganu’n din ‘ata ang gusto niya sa Metro Manila.

Matibay umano si Nerez sa liderato ni Verzosa dahil mag­kasanggang-dikit. Ang panghaharabas kaya sa mga pasugalan ng mga bataan ni Nerez ay kasama sa transformation program ni Verzosa? Iyan ang dapat mong sagutin Gen. Verzosa!

Isa umano sa nasaktan sa transformation program ni Verzosa ay ang gambling lord na si Leleng. Si Leleng ay “tres” ang lakad noon subalit luminya sa beerhouse at sa ngayon, pati sugal-lupa pinasok na rin ma­­tapos lisanin nina Len Aguado at Don Roman ang Mun­tin­­l­upa City.

Mautak si Leleng dahil para makamenos siya sa inteli­hensiya, ang ginamit niyang front ay ang dating pulis na si Romy Tibay at si PO3 Melchor Cor­nia na mga dating ko­lektor. Subalit abot din ni Cruz ang kala­ka­ran nina Tibay at Cor­nia kaya’t napasa­dahan ang puwesto nila sa likod ng sabungan sa Muntinlupa. Ayon sa Manila’s Finest na na­kausap ko, itina­tawid nina Tibay at Cornia ang kubransa nila sa lotteng sa Muntinlupa sa Vito Cruz, kung saan me bahay si Leleng. Totoo kayang ang pulis na alyas Echo ang nasa likod ng operation ni Leleng?

Kung ang grupo ni Le­ leng ay napahirapan ni Cruz, marami pa sa Met­ro Manila ang aangal sa susunod na mga araw. Kung sa Pa­ ngasinan si­nuwerte si Nerez, dito sa Metro Manila ga­nun­din ang magiging buwe­nas niya dahil sa taas ng inteli­hensiyang ini-utos niya kay Cruz.

Maaaring maraming programa si Verzosa para mabago ang ima­he ng PNP, subalit ma­sisira lang ito dahil sa gahaman niyang mga tauhan.

vuukle comment

ARNEL CRUZ

BOY BATA

CRUZ

LELENG

METRO MANILA

NEREZ

SHY

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with