^

PSN Opinyon

JUSTICE Roxas saan ang delikadesa?

- Al G. Pedroche -

SABI ng barbero kong si Mang Gustin, kung may kahi­hiyan si Justice Vicente Roxas ay magbibitiw na siya sa Court of Appeals.  Kasi raw, unanimous ang desisyon ng Korte Suprema noong Martes na si Roxas ay guilty sa “pambibitin” sa isang kaso ng Napocor na hinawakan niya.

Dagdag pa ng SC “Justice delayed is justice denied” kasabay ng pagpapataw ng multang P15,000 kay Roxas.  At ganyan din ang ginawa ni Roxas bilang ponente ng Meralco-GSIS case nang isalin niya sa CA 8th Division ang kaso mula sa Special 9th division, kahit pa may naka­pending na mosyon sa 9th, sa tangka ni Justice Bien­venido Reyes na agawin kay Justice Jose Sabio ang   chairmanship ng nasabing division.

Kung inupuan ni Roxas ang mosyon ng Napocor, tinak­buhan naman niya ang mosyon na nagbigay-daan sana para maresolba mismo ng CA 9th Division ang isyu kung sino kina Sabio at Reyes ang dapat mamuno sa dibisyon. Matatandaan n’yo na ibinulgar ni Sabio na mistulang “men­sahero” si Roxas para personal na papir­ mahan sa kanya ang temporary restraining order (TRO) na hinihingi ng Meralco laban sa Securities and Ex-   change Commission. Kastigo ang inabot ni Roxas sa     panel members na sina retired SC justices Flerida Ruth Romero at Romeo Callejo.

Lumabas ang totoo. Ang kaisa-isang ruling ni Vasquez bilang presiding justice ay ang ibasura ang mosyon ng GSIS na magkaroon ng isa pang raffle matapos bumag­sak ang kaso kay Roxas.  Ang rason ng GSIS: “unfit” si Roxas hawakan ang kaso dahil sa dalawang kasong kinakaharap niya sa SC, kabilang ang akusasyon ng kawalan niya ng kaalaman sa batas. Bukod pa ito sa mosyon ng GSIS na mag-inhibit si Roxas nang mag­labasan ang balita na nakipagkita ito sa mga abogado ng Meralco nang araw na ilabas ang TRO.

COURT OF APPEALS

FLERIDA RUTH ROMERO

JUSTICE BIEN

JUSTICE JOSE SABIO

MERALCO

ROXAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with