^

PSN Opinyon

Ang PAIHI o Oil Smuggling…

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

SA laki ng operasyon ng oil smuggling, taun-taon ay uma-abot sa mahigit kumulang dalawampung bilyong piso ang nawawala sa kita ng pamahalaan.

Isa na dito ang tinatawag na PAIHI na kung saan pag­pu­puslit at pagnanakaw ng mga krudo, langis, gasoline at liquefied petroleum gas ang ginagawa ng malala­king tiwaling negosyante ng ating bansa.

Malawakan ang operasyon ng paihi na nagsisimula sa mga malalaking barko na ang karga ay mga krudo o langis papasok ng mga karagatan ng ating bansa.

Subalit bago pa man makaabot ang mga krudo at langis na ito sa malalaking oil depot na dapat pagdalhan nito, isinasagawa na ang paihi.

Magmula sa barkong nasa laot pa lang, dadalhin na­man ito sa mga storage, warehouses o depot sa kamay­nilaan at maging sa probinsiya na pag-aari ng mga tiwaling negos-yan­teng nasa likod ng paihi.

Nagagawa nilang legal ang iligal na operasyong ito dahil sa kanilang lehitimong negosyo — ang pakikipag­sabwatan sa ilang tiwali ring opisyales ng pamahalaan at alagad ng batas.

Nakakalungkot isipin subalit, nagiging matagumpay at namamayagpag ang sindikatong nasa likod ng PAIHI dahil sa sabwatang ito.

Hindi na bago sa BITAG ang iligal na operasyon ng paihi dahil sa loob ng apat na taong pagtutok namin sa mga sin­dika­tong nasa likod nito, iba’t ibang estilo na ng PAIHI ang aming naidokumento at naipalabas sa BITAG.

Mula sa malalking planta hanggang sa maliliit na mag­nanakaw o dorobo na nagpapa-ihi lamang sa lansa­ngan.

Gaano man kaliit o kalaki ang operasyon at sindikatong nasa likod ng PAIHI, ito ay isa pa ring uri ng PAGNA­NA­­KAW sa pamahalaan.

Mayroon mang simpleng paihi sa lansangan na ang nasa likod ay mga maliliit lamang na kawatan subalit ninanakawan pa rin nila ay bulsa ng mga pribadong kumpanya.

Sa kasalukuyang masalimuot at walang katiyakang takbo ng ekonomiya ng ating bansa, isa lamang ang PAIHI sa sumasamantala sa papa­lala pang sit­was­yong ito.

Hangga’t may mga pa­rokyanong tumatangkilik   at bumibili sa mga nakaw na krudo o langis, mama­mayagpag ang paihi.

Hangga’t may maka-ka­pitan at may kakasab­wating tiwaling opisya-  les ng pamahalaan at alagad ng batas ang  mga tiwali ring negosyanteng nasa likod ng PAIHI, tuluy-tuloy lamang ang kanilang ope­rasyon ng pagnanakaw.

GAANO

HANGGA

ISA

NASA

PAIHI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with