Mabisang gamot sa impeksiyon
ANG tonsillitis ay isang sakit kung saan namamaga ang tonsils ng isang tao. Kadalasan ay may kasamang lagnat, panghihina ng katawan at sipon pa ito.
Madalas magkaroon ng tonsillitis ang mga tao. Minsan ay tatlong beses bawat taon. Simple lang ang paggamot dito. Ito ay ang pag-inom agad ng antibiotics tulad ng Amoxycillin capsules sa loob ng pitong araw.
Kapag hindi naagapan ang tonsillitis, puwede itong magdulot ng rheumatic heart disease, kung saan nasisira ang balbula (heart valves) ng puso at puwedeng umabot sa operasyon. Ang amoxicillin ay puwedeng gamot para sa pigsa at tonsillitis.
Amoclav: Ang mas
May bagong labas na gamot na mas malakas pa sa amoxicillin. Ito ay ang Amoclav na may component na (1) Amoxicillin, at (2) clavulanic acid. Dahil sa pagdagdag ng clavulanic acid, pinalakas nito ang bisa ng Amoxicillin.
Kung baga sa mag-asawa, kung dati ay isa lang ang kumakayod, ngayon ay dalawa na ang nagtatrabaho. Mas malakas ang bisa.
Ganoon din ang Amoclav.
Dahil dito, ang Amoclav ay binibigay ng mga dalubhasang doctor para sa napakaraming impeksyon tulad ng:
• Pulmonya
• Sinusitis at tonsillitis
• Skin infection
• Urinary tract infections
• Gastrointestinal tract infection
• At marami pang iba.
Dati ay napakamahal ng gamot na ito. Umaabot sa P95 bawat tableta. Ngunit ang Amoclav 625 mg tablet ay P50 lamang. Ito’y binibigay 2 beses maghapon, at iniinom ng 5-7 araw, depende sa sakit.
Alam kong may
Sa Amoclav, mapapabilis ang paggaling ng maysakit. Lagi kaming may baon nito kapag naglalakbay. Mahirap kasing bumili ng gamot sa ibang bansa.
Tandaan: Kapag hindi na makuha sa Amoxicillin ang sakit, subukan and next-in-line na antibiotic, ang Amoclav – the super-amoxicillin.
(E-mail: [email protected])
- Latest
- Trending