^

PSN Opinyon

Free baking seminar ng Sonlie International

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

GUSTO ba ninyong matutong mag-bake? Gusto mo bang mag-umpisa o makapagtrabaho sa bakery o bakeshop? Gusto mo bang malaman ang sekreto ng mga chef sa magagarang otel ng Maynila? Masuwerte po kayo dahil mayroon nang free baking seminar.

May 27 taon na ang Sonlie International na itinagu-yod ng mag-asawang Mr. Tecson Alonzo at Mrs. Julie Alonzo. Ang kompanyang ito ang unang nagparating ng SAF Instant Baking Yeast sa Pilipinas na napakahusay ng kalidad. Ang SAF Instant Yeast ay ginagamit para umalsa ang tinapay at maging malambot kainin.

Noong 1991 ay nagtayo ang mag-asawang Alonzo ng isang modernong Baking Center na ngayon ay nasa 2652 Taft Avenue Pasay City. Dito sila nagtuturo sa mga chef ng mga 5-star hotel at mga panadero sa buong Pilipinas ng tamang paraan ng pag-bake ng tinapay at cakes.

Free Baking Seminar:

Bawat buwan, marami ang nakikinabang sa Free   Baking Seminar ng Sonlie International. Kawanggawa ito ng pamilyang Alonzo para makatulong sa pagbibigay ng kaalaman at kabuhayan sa ating mga kababayang panadero.

Nakatutulong sila sa pagsasanay ng mga HRM students, OFW bakers, cruise ship workers at mga lokal na bakery. Alam naman natin na pangunahing negosyo ang bakery sa atin dahil sa pandesal na ating kinakain.

Ano ang matututunan dito? Ang paggawa ng pandesal, ensaymada, chocolate cakes, pastries at iba pa. Talagang katakam-katakam, malam­bot at malasa ang mga tinapay na itinuturo nila.

Sabi ni Mr. Alonzo, “Ti­nuturuan namin sila maging siyentipiko sa pag-bake, at gumamit ng mga measuring cups at timbangan. Hindi iyong hula-hula lang.”

Kung gusto ninyong su­mali sa seminar na ito, tumawag lang sa 831-8882 para magpa-schedule. Libre po ang seminar, pero may maliit na bayad lang para sa pananghalian ng kalahok (P100).

Kilalang-kilala ang mga produkto ng Sonlie International sa larangan ng baking. Katulad ng SAF    Instant Yeast, Bensdorp Cocoa Powder, Magimix at marami pang iba. Ito   ang produkto na ginagamit ng malalaking otel at bakeries na pang-world class. Abot-kaya din ang presyo.

Para sa inyong katanu­ngan, tumawag sa 831-8882.

Puwede rin kayo mag-e-mail sa [email protected] o mag-search sa www.sonlie. com.

* * *

(E-mail: [email protected])

vuukle comment

ALONZO

BAKING CENTER

BAKING SEMINAR

BENSDORP COCOA POWDER

INSTANT YEAST

SONLIE INTERNATIONAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with