^

PSN Opinyon

Kapalpakan ng Napolcom sa ilalim ni Director Sablay

- Bening Batuigas -
(Last Part)

KAHIT pala magpatayo ng bagong gusali ang Napol-com sa P25 milyong budget ay makakaya at makasisi­guro pa ang mga kawani na magiging matatag at moder­no na ang pagkayari ng kanilang opisina, he-he-he-he!

Hindi lamang pala pagkumpuni ng gusali at electrical ang kanilang napunang may tongpats si Napolcom director Sablay, dahil maging ang airconditioning system ay nakatakdang pasimulang ipagawa na rin sa madaling panahon.

At ang pondong gagastusin ay aabot sa P14 milyon  na manggagaling sa  Bases Conversation Development Authority (BCDA). Aba teka, mukhang sablay nga itong aircondition project dahil ayon sa aking pagkakaalam ang naturang salapi ay para sa housing project ng  mga pulis na walang sariling bahay.

Mukhang naisahan na naman ang kapulisan ng Napol­com dahil mabibinbin na naman ang pangarap nilang magkaroon ng sariling bahay di ba mga suki, he-he-he! Magkano na naman kaya ang mapupunta sa bulsa ni Sablay? Nagtatanong lang.

Sa ngayon ay wala nang makapipigil sa proyekto ni Sablay dahil tuluy-tuloy na ang pagpapagawa. At habang naka-exposed ang mga kawawang kawani sa alikabok at init ay kampante naman umano si Sablay   sa malamig niyang opisina kasama ang empleyadang lover, he-he-he!

Talagang buwenas si Sablay dahil bukod sa puno na ang kanyang bulsa ay malambing pa ang kanyang lover na empleyada na naglalambingan sa kanyang silid.

Aba Secretary Puno, Sir, pakiimbestigahan nga po ang reklamo ng mga kawani mo sa Napolcom upang mawala sa kanilang isipan na may basbas ka sa kapalpakan ni Sablay!

vuukle comment

ABA SECRETARY PUNO

BASES CONVERSATION DEVELOPMENT AUTHORITY

LAST PART

NAPOL

NAPOLCOM

SABLAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with