Andros, ang sagot sa nasirang sex life
MARAMING nagtatanong sa akin kung paano maibabalik ang sigla ng kanilang sex life. Ang sagot ko ay dapat magkaroon ng maayos na pamumuhay. Iwas sigarilyo at alak. Huwag masyadong magpataba. At kung may altapresyon, diabetes o high cholesterol, kailangan itong ma-kontrol ng diyeta at gamot para hindi masira ang inyong sex life.
“Este Dok, may nabalitaan akong pampalakas daw sa sex. Mareresetahan mo ba ako?”
“Eh kanino mo ba balak makipagtalik?”
Kadalasan ay may kislap ang kanilang mga mata. Mukhang hindi alam ni misis ang masama nilang balak.
Sa ating mambabasa, totoong may mga gamot na pampalakas at pampatigas ng ari. Kadalasan ay mga diabetiko o ’yung mga may edad ang nangangailangan nito.
Ang mga gamot na ito ay ang
Ngunit ang pinakamura sa apat na ito ay ang
Iniinom ang
Puwede bang uminom kahit walang impotence? Ang masaklap na sagot ay “Oo.” Kahit normal ka ay puwedeng mapatagal ang pagiging matigas ng ari. Mapapaikli rin ang tinatawag na refractory period. Ang ibig sabihin nito ay pagkatapos mag-orgasm ang lalaki, mas maikli ang hihintayin na panahon para manumbalik ang lakas mag-sex.
May tulong ba ang Andros sa kababaihan? Ayon kay Dr. Gatchalian, “Baka mayroon kaunti.” Ito’y dahil mapapadami nito ang agos ng dugo sa bahay-bata ng kababaihan. Ngunit hindi pa rin namin ito pinapayo.
Huli sa lahat, kung ikaw ay may matinding sakit sa puso, bawal gumamit nito. Kumunsulta muna sa isang espesyalista sa puso.
Sabi ng misis ko na si Dra. Liza, dapat ay payuhan ko rin ang mambabasa na maging tapat sa asawa. Dahil kapag mahuli ka ni misis, eh patay kang bata ka. Marami ang puwedeng maputol sa inyong pagsasamahan. Ingat!
* * *
Dagdag kaalaman: Kung sakali lang na may naputulan ng ari, kunin agad ito at ilagay sa plastic na may yelo. Dalhin agad sa Emergency Room at maaari pa itong maidugtong ng mga siruhano. Bilisan lang ang pagdadala sa ER!
(E-mail: [email protected])
- Latest
- Trending