^

PSN Opinyon

4 na kailangan sa medical mission

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

KAMAKAILAN, nag-organisa kami ng isang medical mission sa Antipolo, kasama ang mabait at mapagbigay na si Ms. Caroline Tanchay, ang Presidente ng Oriental Peninsula Resources Group, Inc. Halos 500 pasyente ang natulungan namin sa loob ng isang araw. May libreng gamot na, may inumin at pagkain pa.

Marami ang nagtatanong kung paano gumawa ng isang medical mission. Ang sabi ko apat na bagay ang kinakailangan:

1.Sponsor -– Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang gagastos sa medical mission. Para sa charity namin sa Antipolo, halos P50,000 ang nagastos ni Ms. Caroline Tanchay sa gamot pa lamang. Hindi pa kasali ang allowance ng mga volunteers.

2. Doktor –— Walang gagamot sa mga pasyente ng medical mission kung walang doktor. Sa ngayon ay nagkukulang na ang doktor sa Pilipinas. Napakahirap nang maghanap ng charity doctor. Sa hirap ng buhay, kailangan may allowance din ang mga doktor. Mga 10 doktor ang kailangan sa 500 pasyente.

3. Lista ng gamot – Heto ang mga gamot para sa pangkaraniwang sakit: Amoxycillin sa pulmonya, Para­cetamol sa lagnat, Carbocisteine sa ubo, Mefenamic acid sa kirot, Albendazole para sa may bulate, Glibenclamide at Metformin sa diabetes, HCTZ (Hytaz) para sa alta­pres­yon at Sulfur soap sa mga galis. Sa lista namin ng gamot, may drops pang-baby, may syrup pambata at may capsula para sa matanda. Suki kami sa Pacific Pharma Generics, Inc. sa Quezon City na may teleponong 743-1636, 743-1626. Mura ang gamot dito.

4. Mga taong tagabantay – Sa isang medical mission, kailangang may taga-lista, may taga-kontrol ng mga tao, may taga-turo kung saan pupunta at may taga-buhat. Magdala rin ng Karaoke o megaphone para magka­rinigan sa dami ng tao.

Pagkatapos ng lahat ng pagod sa isang medical  mission ay may biyaya rin. Bakas sa mukha ng mga tao ang kasiyahan na kahit pa­paano ay natulungan sila.

Salamat sa Oriental Pe­­ninsula Resources Group, isang malaking kompan-   ya na nakabase rin sa Pa­la­wan. Aprubado sila ng DENR, at marami pa silang bina­balak na itulong sa mga taga-Pa­lawan. May mga clinic, es­ku­welahan  at iba pang serbis­yo ang bi­na­balak gawin si Ms. Caroline.

Sabi nga ni Ms. Caroline, “Dati ay hindi ko napa­pansin ang kahirapan ng ating kaba­ bayan, ngunit ngayon ay han-da na akong magbi­ gay ng tulong. Ma­saya pala ang tumulong sa kapwa!”

Para kay Ms. Caroline Tanchay, nandito kami para tumulong sa iyong mabuting adhikain. God bless!

* * *

(E-mail: [email protected])

MS. CAROLINE

MS. CAROLINE TANCHAY

ORIENTAL PE

PARA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with