^

PSN Opinyon

Bakit payat ang anak ko?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Para sa mga magulang, ang mga anak natin ay may panahon na walang ganang kumain. Ayon sa mga pediatricians, ang edad 2 hanggang 5 ay mga taon na pihikan kumain ang bata. Pagtungtong sa edad 5 ay gagana na sila kumain.

Alam ninyo ba na ang peanut butter at full cream milk ay ginagamit na lunas sa mga malnourished na bata sa Africa? Masustansya ito. Sa pagbili ng pagkain, hanapin ang may tatak na “Sangkap Pinoy” “fortified foods” at “vitamin-enriched.”

Tingnan din ang inyong lahi. Kung ang mga magulang ng bata ay payat, puwedeng namana niya ito. Kung ang magulang naman ay mataba, puwede ring tumaba ang mga anak. Mana mana po iyan.

Isa pa ring dahilan ng pagkapayat ay ang bulate sa tiyan. Madalas ba sumakit ang tiyan ng bata o dumumi ba siya na may kasamang bulate? Alam ninyo ba na 6 sa 10 Pilipino ay may bulate sa tiyan. Grabe talaga ang problemang ito. Ang gagawin ng doktor ay ipapa-check ang dumi sa laboratoryo. Kung positibo sa bulate, papainumin ng pampapurga ang bata.

Para makaiwas sa bulate, ugaliing maghugas maigi ng kamay bago at pagkatapos kumain. Hugasan din mabuti ang mga pagkaing hilaw, lalo na ang gulay at prutas para ‘di magkabulate.

Ano ba ang mabilis magpataba? Siyempre, mataas sa calories ang ice cream, cake, icing, gatas at chocolate. Sa mga kantina, hinihikayat na magtinda ng masustansyang puto, bibingka at suman para tumaba ang mga bata.

Isa pa, huwag hayaang kumain ng junk foods o sitsirya ang bata. Maganda ring isama ang anak sa hapag kainan para masanay kumain.

Paano naman ang mga sinasabing tabletang pampagana? Alam ninyo, maraming pediatricians ang hindi naniniwala sa mga pampaganang gamot. Ngunit, kung gusto ng bitamina, ang vitamin B complex ay nakapagpapagana sa ating pagkain, bata man o matanda. Ito ang tinatawag na anti-stress vitamin.

At huli sa lahat, huwag kakalimutan ang mga bakuna ng ating anak. Ito po ay hindi dagdag gastos lamang, kundi isang mabisang proteksyon laban sa pagkakasakit ng bata.

SANGKAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with