^

PSN Opinyon

Ituloy ang imbestigasyon sa NBN-ZTE deal

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

KAMI ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ay parehong nanini­ wala na dapat ituloy ang imbestigasyon sa iskandalo ng $329 milyon NBN-ZTE deal.

Hindi porke’t ayaw sumipot ng inimbitahang resource persons ng Senado ay ititigil na ang imbestigasyon; sa halip ay lalo pa ngang dapat itong ipursige ng kapulungan upang mabunyag kung ano ang itinatago ng naturang   mga personalidad na ayaw magbigay ng kanilang testi­monya tungkol sa usaping ito.

Alalahanin na hinihintay pa ang desisyon ng Korte Suprema sa apela ng Senado sa naunang pagkatig ng mga mahistrado sa paggamit ni CHED Chairman Romulo Neri ng executive privilege upang huwag nitong ibunyag ang usapan nila ni Ginang Arroyo tungkol sa kontrata.

Bukod dito, ang kinatigan ng mga mahistrado ay ‘yun lang tungkol kay Neri at hindi ito sumasaklaw sa lahat ng mga personalidad na mayroon ding nalalaman sa kontro­bersiya. Isa nga rito ay ang negosyanteng si Ruben Reyes na sinasabing malapit sa pamilya Arroyo at isa sa tinaguriang “Greedy Group plus-plus” na tumanggap umano ng $11 milyon na “advanced na suhol” mula sa ZTE Corporation.

Sabi nga ni Jinggoy, kung patuloy na magmamatigas si Reyes sa pagbalewala sa mga imbitasyon ng Senado ay dapat ipaaresto ang naturang negosyante. Ganito rin dapat ang gawin sa lahat ng iba pang nagma­maliit at nambabastos sa Senado.

Magiging kulang ang pagganap ng Senado sa tung­kulin nito kung hindi nito pipiliting maibunyag sa taum­bayan ang kabuuang detalye ng sinasabing multi-milyong suhu­lan sa NBN-ZTE deal kung saan ay malalaking opisyal ng pamahalaan na dikit sa Malacañang, kasama ang kani­lang mga kasabwat, ang nagbulsa umano ng mga suhol.

Base nga sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) ay na­niniwala ang mayorya ng mga Pilipino na to­too ang nabulgar na suhulan. Obligasyon ng Senado na tiyaking ma­kukumpleto ang detal­ye ng natur­ang usapin.

Ang mga anomal­yang ganito ang ugat ng kahi­rapan at mga krisis sa ating bansa. Kaila­ngang kumpletong mabun­yag ang mga ito upang ganap na masugpo.

vuukle comment

CHAIRMAN ROMULO NERI

GINANG ARROYO

GREEDY GROUP

KORTE SUPREMA

SENADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with