^

PSN Opinyon

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib mga bata ni GMA

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

SLIP of the tongue a new daw ang nasabi ni Albay Governor Joey Salceda na ‘bitch’ si Prez Gloria Macapagal Arroyo sa harap ng madlang people.

Ika nga, magpaliwanag ka, Joey!

Sangkaterba ang nasaktan at siempre sangdamukal naman ang natuwa ng lumabas sa mismong bibig ni Joey ang salitang “bitch’ ang Prez Gloria.

Sa mga kritiko ni Prez Gloria, bidang-bida si Joey pero sa mga galamay ng panggulo este mali pangulo pala kontrabida ang gobernadora este mali Gobernador pala.

Sumaklolo agad ang mga kaalyado ni Prez Gloria tulad ni DOJ Secretary Raul Gonzalez porke masama daw ang salitang binitiwan ni Joey kumpara sa ‘evil’ na sinabi umano ni CHED Secretary Romy Neri ayon kay  ZTE talkative este star witness pala Rodolfo ‘Jun’ Lozada jr.

Si Jun at Joey ay parehong Bikolano.

Ika nga, magkababayan.  Ano sa palagay ninyo ang pumapasok sa isip ng mga kuwago ng ORA MISMO?

Ipinagtanggol ni Raul si Prez Gloria at ipinaliwanag nito na ang salitang ‘bitch’ ay tumutukoy sa bebot na aso na pangit na salita at malisyoso.

Naku ha, lagot ka Joey!

Ang binitiwan salita ni Joey ay narinig sa isang conference pang-economics na dinaluhan ng mga bright people mula sa Ateneo Center for Economic Resarch and Development at kinober pa ng media.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ganito ang sinabi ni Joey ‘she may be a bitch but she’s the luckiest bitch around’.

‘Humingi kaya ng paumanhin si Joey kay Prez Gloria ng malaman niyang nakarating ito kay GMA?’ tanong ng kuwagong mapag-mura.

‘Siguro’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Sinagot ba siya ni Prez GMA?’

‘Kamote, inisnab’

‘Bhe, buti nga’ hehehe!

Nueva Vizcaya Bishop Villena, alaws binesa sa jueteng operation

RAMPANT ang jueteng sa Nueva Viscaya kaya na­man kahit na anong bakbak dito ni Bishop Ramon Villena ay binabalewala siya ng mga bugok na authorites na nakikinabang todits.

Tinukoy ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang  mga bayan ng So­­lano na umaabot sa P600,000 ang koleksyon kada araw,  Bagabag P250,000, Bayombang P300,000, Dupax P200,000, Aritao P200,000 at Bambang P400,000.

Umaabot sa P2 million ang engreso sa jueteng kada araw na binabangkaan ng isang Marpori ng Pampanga, isang Pascual at Nino ang national management, isang  retired  Col. Tonio at Aleta ang local management.

‘Bakit walang aksyon dito si PNP Region 2 Director Amateo Tolentino?’ tanong ng kuwagong sepulturero.

‘Lumalawit ba ang dila ni Bishop sa kasasabing itigil ang jueteng sa kanyang nasasakupan?’

Abangan!

vuukle comment

JOEY

LSQUO

PREZ GLORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with