Demo-crazy
TAYO ang nagpauso ng salitang ‘‘people power.” Nang malansag ang 20-taong diktadura ni “Great Makoy” dahil sa mapayapang rebolusyon ng milyong Pilipino sa EDSA, sumikat tayo sa buong mundo. Nanguna pa ang Pilipinas sa grupo ng mga nasyon na kung tawagin ay “newly restored democracies.” The
Ngayon, iba na ang pananaw ng mundo sa atin. Klasipikado na tayo bilang bansang “partly free” o hindi ganap na malaya. Katulad na natin ang mga bansang
Sa pananaw ko, sobra-sobra nga ang demokrasya sa Pilipinas. Lahat ay malayang gumawa ng ano mang bagay. Sa gobyerno, ang mga matataas na opisyal ay malayang mangurakot. Ang mga mamamahayag sa radyo, telebisyon o peryodiko ay malayang bumatikos sa katiwalian sa lipunan. Pero ang mga tao o samahang kanilang nasasagasaan ay malaya rin upang sila ay patayin para manahimik.
Dala ng karalitaan, ang mga tao ay malayang gawing residente ang mga lansangan.
Walang makatutumbas sa diktadura ni Makoy. Kinatatakutan ng taumba-yan. Lahat sunud-sunuran maging sa pagtawid sa tamang tawiran. Ang media ay matagumpay na nabusalan. Iba ngayon. Habang tinatangkang rendahan, lalu namang pumipiglas ang media. Oo, buhay na buhay ang demokrasya sa Pilipinas. Demokrasyang tuliro. Demo-crazy!
- Latest
- Trending