^

PSN Opinyon

Pardon ni GMA kay Erap at Martinez

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

MARAMI ang nagulantang sa pagbibigay ni President GMA ng conditional pardon kay dating Air Force Master Sgt. Pablo Martinez. Si Martinez ay hinatulan ng double-life sentence dahil sa pagpatay kay dating senador Benigno Aquino. Binigyan ng pardon si Martinez dahil sa humanitarian reasons. Pitumpung taong gulang na si Martinez. Humingi naman agad ng kapatawaran si Martinez kay dating President Cory Aquino.

Masakit sa kalooban nina Sen. Noynoy  Aqui­no, anak ni Ninoy ang pagbibigay ng pardon. Wala pa namang sinasabi si Cory sa ginawa ni GMA.

Nagulantang talaga ang taumbayan sa gina­ wa ni GMA. Marami kasi ang nakaaalam na magka-away sa pulitika si GMA at si Cory. Hindi ba’t pursigido si Cory sa pagre-resign ni GMA? Hindi maliwanag kung ano ang dahilan king bakit nag-away ang dalawa. Hula ko lang, ang Hacien­da Luisita ay isa sa mga dahilan at maaari ring ang ari-arian ng mga Cojuangco.

Ang iginawad na pardon kay Martinez ay ini­hahambing sa pardon na iginawad kay dating Presidente Estrada. Qualified si Martinez dahil totoong nagpakahirap siya na makulong ng 24 years. Ang iginawad sa kanya ni GMA ay conditional ang pardon samantalang si Estrada ay full, complete, absolute at unconditional na sa loob ng anim na taon ay nasa Tanay resthouse. Naka­laya si Erap pero hanggang ngayon ay sina­sabing hindi siya nakagawa ng kasalanan.

Bakit kaya siya hinatulan ng plunder ng  San­diganbayan?

AIR FORCE MASTER SGT

BENIGNO AQUINO

CITY

MARTINEZ

PLACE

PRESIDENT CORY AQUINO

PRESIDENTE ESTRADA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with