^

PSN Opinyon

Noon pa pinaaamyendahan ni Jinggoy ang EPIRA

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

SA harap ng problema ng bansa sa kuryente, muli na namang nakita na tumpak at eksakto ang legislative agenda ng panganay na anak namin ni President Erap na si Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada.

Bago pa nag-umpisang lumaki ang problemang ito, at bago pa man nagsimulang talakayin ito ng mga pulitiko, ay nauna nang inihain ni Jinggoy ang isang panukalang solusyon dito: Ang pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

Noon pa man kasi, pinuna na ni Jinggoy na bigo ang mga pangako ng batas na ito, kaya iniakda niya ang Senate Bill No. 160, na nagsusulong ng malalaking pag-amyenda sa EPIRA para tiyakin na ang serbisyo ng kur­yente ay de-kalidad, maaasahan at abot-kaya ang presyo.

Nang ipinilit ng Malacañang na mapagtibay ang EPIRA noong 2001, ipinagmayabang ni Ginang Arro­yo na ito raw ang solusyon sa mga problema sa kur­yente.

Pero sabi nga ni Jinggoy, “Anim na taon na ang lumi­ pas mula nang isabatas ang EPIRA pero ang pangako nito ay napako, dahil sa halip na bumaba ang presyo ng kuryente ay lalo pa itong nagpatuloy sa pagtaas, at lalo ding dumalas ang mga brownout.”

Sabi ni Arroyo, ang problema ay kulang ang ulan kaya’t hindi sapat ang dami ng tubig sa mga dam para mag-  generate ng kuryente. Pero sa analysis ni Jinggoy, ang nagpalala sa problema ay ang pagiging hindi matatag mismo ng electricity power sector ng bansa. Hindi kasi natupad ang mga pangako ng EPIRA at ni Arroyo na papasok ang maraming investor sa sektor na ito, partikular sa aspeto ng electricity generation.

Ngayon nga na nararamdaman na natin ang pro- blema sa kuryente, at pinangangambahan pa itong lumala, mabuti naman at marami na ang nagbibigay ng atensiyon sa isyung ito na nauna nang pinansin ni Jinggoy, at ito ngang si Ginang Arroyo ay nag-echo pa ng pana­wagan ni Jinggoy para sa pag-amyenda ng EPIRA.

* * *

Para sa mga su­ hestiyon o komento, maaari kayong mag-e-mail sa [email protected]

ELECTRIC POWER INDUSTRY REFORM ACT

GINANG ARRO

GINANG ARROYO

JINGGOY

JINGGOY ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with