^

PSN Opinyon

Legislative agenda ni Jinggoy para sa karapatang pantao

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

EKSAKTO at tumpak ang human rights legislative agenda ng aking panganay na anak na si Sen. Jinggoy Estrada tungkol sa isyu ng mga nawawala o dinukot at pinapatay na karaniwan ay mga aktibista, journalists at iba pang nagbubunyag at bumabatikos sa katiwalian sa pama­halaan.

Sabi ng human rights group na KARAPATAN, mula nang maupo si Mrs. Arroyo noong 2001, umabot na sa 863 ang mga pinatay na magsasaka, kabataan, taong-simbahan at iba pang militante. Mayroon din umanong 51 mamamahayag na pinatay. Umaabot naman umano sa 196 ang enforced disappearances, tulad ni Jonas Burgos, na hinihinalang dinukot ng mga ahente ng gobyerno.

Ang National Consultative Summit on Extrajudicial Killings and Enforced Disappearances na inorganisa ng Korte Suprema ay partikular na nagrekomenda ng pag­gawa ng mga batas para solusyunan ang mga nabanggit na isyu.

Bago pa man napagtuunan ng malaking atensyon ang mga isyung ito, at matagal pa bago idinaos ang Summit, inihain na ni Jinggoy ang ilang panukalang-batas tungkol dito.

Pangunahin sa kanyang panukala ang pagbuo ng Magna Carta for Journalists na magtitiyak ng proteksyon, karapatan at mga benepisyo ng mga mamamahayag.

Ipinanukala rin niyang magtatag ng Commission on Missing Persons na mag-aatas sa mga ahensIya ng gobyerno na hanapin ang mga nawawalang tao.

Mayroon din siyang panukala para magpa­taw ng mabigat na pa­rusa sa mga ahente ng pama­halaan na sang­kot sa torture at enforced dis­appearances.

Ang mga panuka­lang ito, kapag naisa­batas, ay magtitiyak na ang kara­patang pantao ay mapo­protektahan at irerespeto ng mga may kapangya­rihan.

Si Ginang Arroyo naman ay agad ipinag­yabang na gumagawa raw ng hakbang ang kan­yang adminis­tras­yon sa mga isyung ito. Kung to­too ang kan­yang ipinag­ya­ya­bang, dapat ay itulak niya ang pagsasa­batas at eben­tuwal na pag­pa­patu­pad ng mga pa­nuka­lang ito ni Jinggoy.

* * *

Para sa mga suhes­tiyon o komento, maa­ari kayong mag-e-mail sa doktora_ng_masa @yahoo.com.ph

ANG NATIONAL CONSULTATIVE SUMMIT

EXTRAJUDICIAL KILLINGS AND ENFORCED DISAPPEARANCES

JINGGOY

JINGGOY ESTRADA

JONAS BURGOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with