^

PSN Opinyon

Roman Romulo sa Pasig, Maritoni Francisco sa Navotas

- Al G. Pedroche -
GAWIN nating sukatan ang sinseridad ng kandidato, track record at magandang reputasyon sa pagpili ng iboboto. Para sa akin, gusto ko yung bata at agresibo at may prinsipyong ipaglalaban para sa kapakanan ng bayan at hindi ng sarili. Ang bata ay hindi pa nilalamon ng maruming sistema ng politika.

Kung taga-Pasig City ako, iboboto ko sa pagka-Kongresista si Atty. Roman Romulo. Palibhasa’y bagito sa pulitika, natalo siya by a slim margin ni Dudot Jaworski nung nakaraang congressional polls. Mayor na ang tinatarget ni Dudot kaya sana’y tsansa na ito ni Romulo para makasungkit ng luklukan sa Mababang Kapulungan.

Masyadong mahiyain kasi itong si Romulo. Pero take note, kahit walang posisyong hawak ay laging bukas ang pintuan para tumulong sa kapwa. Kilala siya sa pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng kalamidad, medical mission, scholarship program at outreach program. Maraming politiko ang walang "K" tumakbo katulad ng perennial loser na si Toti Carino na may reputasyong nakikita lang ng tao kapag nangangampanya, Kaya balita ko, ang bansag sa kaniya sa Pasig ay "The Invisible Man". Sa kabila nito, tumatakbo pa rin. Di na nahiya.

Hindi tradisyunal na politiko si Romulo at may subok na katapatang maglingkod.

Isa pang non-traditional politician na kumakandidatong Kongresista sa Navotas ang aking fellow alumni sa La Consolacion College (dating St. Joseph Academy) si Maritoni Francisco. Bata rin at isang neophyte o talagang wala pang muwang sa politika. Isa siyang young entrepreneur na maraming hawak na tungkulin sa mga non-government organization sa Navotas-Malabon area. Sa ginanap na candidates forum sa Navotas, balita ko’y sinapawan ng husto ni Maritoni ang kanyang mga katunggaling sina Alvin Sandoval at Jaye Lacson-Noel sa paglalahad ng plataporma gaya nang pagpapasigla sa ekonomiya ng Navotas at Malabon na plano niyang gawing export processing zone. Kung sa puso nanggagaling ang sinasabi, mahihikayat ng nagsasalita ang kanyang kapwa sa kanyang katapatan.

Sila ang mga opisyal na kailangan ng bayan. May puso at hindi puro nguso. May gawa at hindi puro ngawa gaya ng mga politikong puro pangakong napapako. Tingnan yung mga kandidatong wala pa man sa puwesto ay kusang loob nang tumutulong sa taumbayan tulad nina Romulo at Francisco.

ALVIN SANDOVAL

DUDOT JAWORSKI

INVISIBLE MAN

ISA

JAYE LACSON-NOEL

NAVOTAS

ROMULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with