^

PSN Opinyon

Hindi lamang sa Pinas magulo

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
HINDI totoo ang balitang binabalaan ang US citizens na pumunta sa Pilipinas dahil sa nangyaring pagpatay kay Peace Corps Volunteer Julia Campbell. Sabi ng US State Dept., wala silang travel advisory na pumipigil sa kanilang mamamayan na magpunta sa Pilipinas.

Tsismis lang ang lahat at baka dahil sa pulitika. Kung mayroon mang nangyayaring kaguluhan sa Pilipinas, sa US man ay meron din at baka mas lalo pang magulo. Maraming lugar ngayon sa US ang lumalala ang crime rate katulad ng New York, Chicago, LA at Virginia.

Hindi ba’t 33 ang napatay sa isang shooting spree sa Virgina Tech sa Virginia. Isang American-Korean ang tila nasiraan ng bait at niratrat ang mga esyudyante at guro.

Maraming nangyayaring patayan at kaguluhan sa iba’t ibang states sa US.

Pero kung mababasa ang mga balita sa diyaryo, maririnig sa radyo at mapapanood sa tv, ang Pilipinas ang para bagang pinakamagulong bansa sa mundo. Alam n’yo bang kahit sa Vatican na tirahan ng Papa ay mayroon ding mga kaguluhan?

Ang aksiyon ng mga pinuno sa bansa ang nararapat para masupil ang mga kaguluhan. At ang darating na eleksyon ay mahalaga, pumili ng mga kandidato na gagawa ng batas para magkaroon ng lubusang katahimikan ang bansa.

ISANG AMERICAN-KOREAN

MARAMING

NEW YORK

PEACE CORPS VOLUNTEER JULIA CAMPBELL

PILIPINAS

STATE DEPT

VIRGINA TECH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with