^

PSN Opinyon

A death blow on law enforcement

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAGPAPASALAMAT ang mga kuwago ng ORA MISMO, kina Barangay Capt. Othelo Tababa at Kagawad Reynaldo S. Tiamzon, ng Bgy. Muntindilaw, Antipolo sa tulong na ginawa nila sa Chief Kuwago noong Lunes ng hapon. Salamat po !

Ty din kay Ed Manabat at Bambi Sabela ng Ness Astilla salon dyan sa Mandaluyong City, sa labas dahil sila ang mga taong gumagawa ng hukbo ng Chief Kuwago. Keep up the good work ladies, he-he-he!

Ang isyu, na shock si comebacking Manila Mayor Alfredo S. Lim sa decision ng Sandiganbayan regarding sa hatol nila kina former police officer Capt. Reynaldo Jaylo at tatlong dating ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) operatives sa drug bust na naging dahilan ng pagkamatay na tatlong hinihinalang drug dealers, kasama ang two ranking military officers, 17 years na ang nakararaan.

Naalarma si Fred sa nangyari dahil nangangamba siyang wala nang law enforcement ang magtatrabaho para manghuli ng mga criminals.

Sabi ni Fred, ang nasabing operation ay alam ng US Drug Enforcement Agency, na humingi ng tulong sa kanya noon siya pa ang NBI Director tungkol sa 20 kilos na heroin na ibebenta sa Philippines my Philippines.

Bago ang operasyon, sabi ni Lim alam ng DEA na ang 10 kilo sa pinag-uusapan natin ay naibenta na.

Kuwento ni Fred, recorded sa video ng DEA ang pangyayari habang nasa operasyon sila, ang pitsang

ginamit at ang poseur-buyer from Bangkok.

Ang transaksyon ay nangyari sa isang inupahang kuwarto sa isang 5-star hotel at ang nasabing pangyayari ay naka-video rin sa itinagong camera na inilagay ng DEA ha bang ang mga NBI agents ay nagmamanman sa isang katabing kuwarto.

Ang lahat ng evidence ay ipinakita at sinumite sa presidential body na inatasan na mag-imbestiga sa insidente para ang mga tumira sa mga ito ay mapawalang sala noon.

Matapos ang putukan at may mga bumulagta, agad tumawag si Jaylo kay Fred para sabihin na ang mga natigok nila ay mga high ranking military officials.

Masama ang loob ni Fred dahil na-framed up si Jaylo ng mga sindikato ng illegal recruiters dahil ang huli ay itinalaga ni Prez GMA bilang pinuno ng Task Force on Illegal Recruitment. Sabi nga, napulitika.

"I am going all out in support of Jaylo and his men. Law enforcers should perform their sworn duties of fighting those commiting in fractions of the law regardless of who are behind or the positions they hold in government," sabi ni Fred sa Chief Kuwago.

"Ilang taon ang hatol sa mga kasamahan ni Jaylo?" tanong ng kuwagong retired policeman.

"Anim hanggang 14 taong pagkakakulong," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Paano ngayon, asan si Jaylo?" tanong ng kuwagong Kotong cop.

"’Yan kamote ang problema. Dehins mahuli si Jaylo"

Abangan!

BAMBI SABELA

BARANGAY CAPT

CHIEF KUWAGO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ED MANABAT

JAYLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with