^

PSN Opinyon

Kiko may sekretong itinatago

- Al G. Pedroche -
ATE Megastar Sharon Cuneta, huwag ikaw galit ha? Alam mo ba ang sikreto ng jowa mong si independent Senatorial reelectionist Francis ‘‘Kiko’’ Pangilinan? Mahilig palang mag-alaga ng mga estudyante. Pero sabi nga ng mga matatanda. Walang lihim, mabuti o masama ang hindi mabubunyag pagdating ng oras. Kung hindi pa dahil sa sulat na tinanggap natin mula sa isang young lady councilor na naging bahagi ng buhay niya once upon a time, hindi natin mabubuking ang secret ni Kiko.

Isang young lady councilor ng San Pablo City ang sumulat sa atin kamakailan upang isiwalat ang lihim na pinakakatago ni Kiko.

Ang sabi ng lady councilor, importante si Kiko sa buhay niya. Malaki ang utang na loob niya kay Kiko. Pero teka. Ate Mega, bago ka mag-jeling, lemme explain na ang lady councilor na ito ay isa lang sa maraming pinapag-aral ni Kiko sa Asian Institute of Management (AIM). Sapul pa pala nang maging Senador si Kiko ay mayroon na siyang scholarship program pero kakaunti ang nakakaalam. Hindi kasi mahilig magpatunog ng trumpeta si Kiko sa bawat buting nagagawa.

Sumulat sa amin kamakailan ang number one councilor ng San Pablo City na si Ivy Arago. Ibinahagi niya ang kanyang magandang kapalaran dahil benepisyaryo siya ng scholarshiyp program ni Kiko.

Hindi lang konsehala si Ivy kundi isa ring negosyante ngayon. Ang magandang epekto nito ay gusto niyang pamarisan si Kiko kaya nagtatag din siya ng sariling scholarship program para sa mga mahihirap na estudyante ng high school sa kanyang lungsod.

Kamakailan ay nagtagpo sina Kiko at si Ivy sa isang campaign sorty sa San Pablo. Nagkaiyakan pa ang dalawa habang nag.kukumustahan. Nasabi ni Ivy ang balak niyang tumakbo sa 3rd congre.spsional district ng Laguna. Palibhasa’y hinihikayat siya ng iba’t ibang sector na puntiryahin ang mas matayog na katungku- lan bilang representante sa Mababang Kapulu- ngan at nang lumawak ang sector na kanyang matu_tulungan.

Nagalak naman itong si Kiko at maluha-luha ang matang agad itinaas ang kamay ni Ivy na kanyang protegee. Okay ang baZtang ito na protegee ni Kiko. 31 anyos pa lang pero malaki na ang konCtribusyon sa lipunan. Bukod sa scholarship, kabilang sa mga proyekto niya bilang konsehala ang environmental protection, libreng lingap-medikal sú_}a mga mahihirap na seryoso niyang isinasagawa.Ÿ Sana, marami pang gaya niya ang isilang sa mundo.

vuukle comment

ASIAN INSTITUTE OF MANAGEMENT

ATE MEGA

IVY ARAGO

KIKO

MABABANG KAPULU

MEGASTAR SHARON CUNETA

SAN PABLO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with