Tips ng Pinoy nurses na nasa America na
February 2, 2007 | 12:00am
BUMAHA ng e-mail reactions sa columns ko sa nursing employment sa America. Maraming nalugod na may job openings hindi lang sa Registered Nurse (RN) na tapos ng four-year college course, kundi pati sa Licensed Practical Nurse (LPN) na nag-15-month vocational training lang. Marami ring nalungkot sa wala sa priority ng US-Immigration ang LPNs, kaya miski kulang sila sa America, pahirapan makapunta run, di tulad ng sa RNs na tuluy-tuloy ang recruitment ng buo-buong pamilya.
Maraming sumulat na Pinoy nurses sa America para magbigay ng tips sa mga naghahangad magtrabaho dun. Isa na ang suhestiyon sa mga mister ng RNs: Miski professional na kayo, huwag umasang magkaka-trabaho agad sa America, di tulad ng misis nyong RN na in-demand. Mabuti pa, mag-aral kayo maging LPN. Sa gayon, hindi kayo magiging istambay sa bahay, kundi maari ring ma-empleyo malamang sa ospital o doctors clinic o nursing home kung saan ang misis nyo. Mas mababa nga lang ang suweldo ng LPN kaysa RN, pero mabuti na yon kaysa wala.
Isa pang napaka-halagang tip ay ang pagsasanay sa wikang Ingles. Hindi raw makakakuha ng Nursing Council Licensure Exam (NCLEX) para RN o LPN kung palpak sa Ingles. Para malaman kung bihasa ang nurse sa wika, maari siyang kumuha muna ng qualifying exam ng CGFNS (Commission on Graduates of Foreign Nursing Schools). Halos walang tungkol sa nursing ang CGFNS exam. Karamihan ng tanong ay panubok kung naiintindihan ng nurse ang binabasa o binibigkas na Ingles, at kung marunong siyang sumagot nang pasulat o pasalita.
Dito pumapasok ang mga related tests sa Ingles: Test of Spoken English (TSE), Test of Written English (TWE), at Test of English as Foreign Language (TOEFL). Natural lang na siguruhin ng hospital administrator, doctor at nursing home owner na marunong mag-Ingles ang nire-recruit. Alangan namang mag-sign language sila ng pasyente at manager.
Abangan: Sapol ni Jarius Bondoc, Sabado, 8 a.m., sa DWIZ (882-AM).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest