^

PSN Opinyon

Ligtas Undas sinisiguro ng PNP

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

SA kabila ng banta ng Super El Niño at ang patuloy na pagtaas ng petrolyo hindi ito balakid sa ilan nating mga kababayan na magbakasyon o umuwi sa kanilang mga mahal sa buhay. Kaya’t on the go itong ating matitikas na Philippine National Police (PNP) para bigyan ng proteksyon ang mga naglalakbay sa kani-kanilang mga lalawigan. Kung sabagay hindi lang naman ang PNP ang magiging abala sa ngayon, maging ang Bureau of Fire and Protection (BFP), Philippine Coast Guard at iba’t ibang law enforcers kasama na mga force multipliers sa hanay ng mga barangay tanod at LGUs.

Kaya’t masasabi nating swabe ang pagbabakasyon nga­yon ng ating mga kababayan, subalit kung may dala kayong mga sasakyan, siguraduhin ninyong dala-dala n’yo rin ang mga OR/CR. Para naman sa mga nagmo-motorsiklo na kadalasang sitahin sa kalsada, siguraduhin ninyong kumpleto ang inyong mga dokumento, helmet, itsek mga ilaw at replectorized ang inyong back lights at maging ang inyong suot na jacket upang makaiwas kayo sa paninita at pagdelihensiya ng ilan nating mga dorobong law enforcers. Hehehe!

At para sa mga mayayabang nating ‘Kamote Riders’ abay, iwasan ninyong kabitan ng maiingay na tambutso ang inyong motorsiklo nang ‘di kayo malagay sa balag nang alanganin. Kasi nga bawat mga lalawigan na inyong papa­sadahan ay may kanya-kanyang ordinansang pinaiiral kaya’t kung maari ay maging masunurin kayo upang maging mati­wasay ang inyong pagbabakasyon.

Samantala, hindi nakaligtas kay P/Col. John Guiagui ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region itong doctor kuno na Vietnamese na si Alyas Hein, 32 at 2 kasama nito na sina Rina at Sam ng maaktuhang nagsasagawa ng facial surgical procedure sa isang tagong klinika sa Barangay 152, Pasay City. Ayon kay Guiagui, ang tatlo ay aktong nagsasagawa ng “Rhinopasty” sa isang pasyente kayat swak siya sa balde. Hehehe! Ewan ko ba, bakit may ilan pa rin talaga sa ating mga kababayan ang mahilig magbakasakali sa di nila kakilalang doctor. Walang maipakitang permit o legal authority si Hein kaya’t wala silang karapatang magoperate dahil malalagay sa panganib ang kanilang mga biktima. Niliwanag ni CIDG Director Maj. Gen. Robert Morico II na para makapagpraktis ng medisina sa Pinas si Hein, dapat pumasa muna siya sa board exam at holder ng valid Medical Examiner. Ayon pa kay Morico, ang illegal na pagpraktis ng medisina ay seryosong banta sa kalusugan ng publiko. Kaya’t mga suki, palaging mag-iingat sa pagkuha ng serbisyo ng doctor lalong lalo na kung dayuhan ang mga ito at baka sa hukay ang bagsak nyo. Di ba mga suki!

BFP

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with