^

PSN Opinyon

Mga pulis na nambasag sa Iloilo, basagin din!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
ANG marahas na pagbuwag ng mga Police Comman-dos ng Western Visayas Command sa barikada ng mga suporter ni Iloilo governor Niel Tupas na naging sanhi rin ng malaking pinsala sa gusali ng kapitolyo ang pangunahing dahilan ng pagkahati-hati ng mga taga-administrasyon. He-he-he! Malaking halaga na naman ang nawala sa kaban ng bayan dahil ang gastusin sa naturang pinsala ay magmumula na naman sa bulsa ng sambayanang Pilipino. Get nyo mga suki?

Ito ang balitang nakarating sa akin. Ayon sa mga pulitikong maka-administrasyon labis umano ang kahihiyang idinulot ng puwersahang pasukin ng mga Regional Mobile Group (RMG) at Special Weapon and Tactics (SWAT) sa ilalim ng pamumuno ni Chief Supt. Wilfredo Dulay Sr. at ni Iloilo Police Director Senior Supt. Joel Napoleon Coronel. He-he-he! Ang dapat sa mga pulis na ito ay italaga sa Mindanao upang habulin ang mga bandidong Abu Sayyaf dahil ginastusan sila ng taumbayan na maging dalubhasa sa pakikipaglaban sa mga kaaway ng pamahalaan. Ayos ba mga suki!

Labis ang kalungkutan ng mga pulitikong nakapanood ng mga eksena sa telebisyon ng pasukin ng mga commandos ang kapitolyo na armado ng M-16 at M-14 rifle na may back-up pang Armored Personel Carrier (APC) nang sapilitang basagin ang mga salamin ng pintuan ng naturang gusali at ang lahat ng tao sa loob ay sapilitang padapa- in sa sahig. Nakita rin ng mga pulitiko kung paano baltakin padapa ang ilang mga tao na nasa loob ng kapitolyo.

At dahil sa mga eksenang napanood ay naghahanda na uma-no ang ilang kapana- lig ni President Gloria Macapagal-Arroyo na tumalon sa kabilang bakuran ng maiwasan ang masamang kapalaran sa darating na halalan.

Tahasan din nilang isinisisi kay Depart-ment of Interior and Local Government (DILG) Secretary Ronaldo Puno ang lahat ng karahasang naganap dahil sa "last minute" na ito ipinatupad. Bagamat itinanggi ni Puno na hindi siya ang nambabraso sa pagsuspinde at pag-dismiss sa ilang pulitiko. Nakalimutan umano ni Puno na pagbilinan ang mga may "war shock" na mga pulis na daanin sa mapayapang pamamaraan. Oo nga naman mga suki! Wala nga pala siya roon nang salakayin ng tropa ni Dulay ang kapitolyo, he-he-he!

Ang lahat umanong pulitikong kanyang na-isyuhan ng suspensyon at dismissal ay pagtupad lamang sa kautusan ng Ombudsman, ayon kay Puno.

Sa kasalukuyan ang lahat na kasang- ga ni PGMA ay mala-lim na nag-iisip na kung ipagpatuloy pa nila ang pag-sandal sa kanilang partido o tatalon na lamang sa mainit na pagsikat ng oposisyon.

Kung sabagay mga suki! Sino nga naman ang aasa sa partido ng administrasyon kung ngayon pa lamang na nag-uumpisa na ang kampanyahan ay puro negatibo na ang dating. He-he-he! Nakakata-kot talagang sumandal sa administrasyon da-hil sinisiguro ng oposisyon na sa kangkungan pupulutin ang kanilang mga kalaban.

Mukhang nagka-mali yata ang mga adviser ni President Arroyo sa puntong ito. Dahil kung nais niyang manalo ang kanyang mga kapanalig, dapat lamang na ipakita niya sa mamamayan na mali-nis ang magiging resulta ng halalan. Ika nga’y walang brasuhan, di ba mga suki!

Maaring may mga adviser umano si PGMA na umiilalim sa oposisyon kaya’t nagkakaroon ng maling desisyon na ikinagagalit ng mamamayan. "I’m Sorry" Ito na marahil ang magiging kasagutan ng mamamayang labis na naghihinakit sa line-up ng Pangulo.

ABU SAYYAF

ARMORED PERSONEL CARRIER

CHIEF SUPT

ILOILO POLICE DIRECTOR SENIOR SUPT

JOEL NAPOLEON CORONEL

NIEL TUPAS

PUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with