Joke, joke hindi puwede sa airport
January 11, 2007 | 12:00am
BINABALAAN ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga pasaherong sasakay ng eroplano na huwag na huwag magbibiro na may dala kayong bomba dahil tiyak may paglalagyang dehins maganda. Sabi nga, kaso at kalaboso ang mangyayari!
Sa NAIA, marami na rin mga departing passenger ang nakasuhan dahil sa pagbibirong may bomba ang kanilang mga bagahe, kaya hayun, abala sila sa pagharap sa mga kasong isinampa sa kanila. He-he-he! Buti nga.
Nagkuwento sa mga kuwago ng ORA MISMO, si retired General Angel Atutubo, assistant general manager for Security sa MIAA regarding sa mag-aswang este mali asawa pala na nagbiro sa isang flight attendant sa Hong Kong na may bomba silang naka-hide sa kanilang bagahe.
Sa awa ng Maykapal inaresto sila ng Hong Kong Airport Police inimbestigahan, kakasuhan at inilagay sa talaan ng blacklisted alien.
Sa madaling salita,dehins na silang puwedeng bumalik uli sa Hong Kong. Ika nga, kawawa naman!
Sabi ni Atutubo, sa mga kuwago ng ORA MISMO, sina Joselito at Jo Daza at sumakay ng Cebu Pacific flight patungong Manila from Hong Kong kaya lang nabiro raw nila ang isang Jo David, flight attendant ng aircraft regarding sa bomba.
Nag-panic tiyak si Joe kaya ang ginawa tumawag ng airport security at inginuso si Joselito na nagkuwento sa kanya na may itinatago raw itong bomba sa kanyang baggage.
Walang gaanong details na ibinigay si Angel regar-ding sa mag-asawa basta ang mensahe lamang na natanggap nito from the Hong Kong authorities ay magsagawa ng isang background information sa mag-asawa.
Joke, joke, joke man ang ginawa ni Joselito sa flight attendant dapat dehins siya ganito.
Hindi ba alam ni Joselito na matindi ang threat ng seguridad sa halos lahat ng paliparan sa buong mundo? tanong ng kuwagong urot.
Paano sila ngayon?
"Nalagay sila sa hindi magandang situwas- yon, sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Kamote, magbibiro ka pa ba?
Naku ha!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended