^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Banta ng terorismo mas mabangis kaysa bagyo

-
Hindi bangis ng bagyo kundi banta ng teroris-mo ang umano’y dahilan kaya ipinagpaliban ang nakatakdang meeting ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na dapat ay idaraos ngayong araw na ito. Gayunman, iginiit ng Malacañang ang pagpapaliban sa meeting ay may kaugnayan sa pananalasa ng bagyong Seniang at hindi dahil sa terorismo. Ayon sa Malacañang sa January 2007 na isasagawa ang meeting.

Ang terror attack sa ASEAN meeting ay ibinulgar ng United States, Britain at Australia. Nasa final stage na raw ang plano ng mga terorista. Isasagawa raw ito habang idinaraos ang meeting sa Cebu. Nagbigay na ng travel advisory ang tatlong bansa sa kanilang mga kababayan na huwag pumunta sa Cebu. Pinabulaanan naman ng Philippine National Police ang banta ng terorismo. Wala raw silang natatanggap na intelligence report.

Noon pa man ay madalas nang magbigay ng babala ang tatlong bansa particular ang Australia. Malagim ang sinapit ng mga Australians sa Bali, Indonesia noong 2004. Marami ang namatay makaraang bombahin ng Jemaah Islamiyah ang isang resort sa Bali. Ilang buwan na ang nakararaan, nabulgar naman na ilang eroplano sa Britain ang pasasabugin habang patungo sa US. Liquid bomb ang gagamitin sa mga eroplano. Nahuli ang mga magsasagawa ng pambobomba.

Ang Pilipinas ay marami nang pininsala ng mga terorista. Noong Dec. 30, 2000 ay maraming namatay nang sabay-sabay na magsagawa ng pambobomba ang mga terorista. Pinaka-marami ang namatay sa LRT bombing. Noong February 14, 2005, isang bomba ang itinanim sa isang passenger bus at tatlo katao ang namatay. Binomba rin ang SuperFerry 14 habang naglalayag sa Manila Bay at marami ang namatay. Nagkaroon ng pambobomba sa Davao airport at ganoon din sa mga pier sa iba pang lugar sa Mindanao.

Itinuturong maghahasik ng terorismo ang Jemaah Islamiyah, Abu Sayyaf at ang Rajah Sulaiman Movement.

Tama lamang ang desisyon na ipagpaliban ang pagdaraos ng meeting. Malaking batik sa Pilipinas kung dito pa magkakaroon ng kaguluhan at ang mabibiktima ay dayuhan. Hindi dapat bigyan ng pagkakataon ang mga terorista na makapaghasik ng lagim. Durugin sila para matahimik na ang kalooban ng mamamayan.

ABU SAYYAF

ANG PILIPINAS

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATIONS

CEBU

JEMAAH ISLAMIYAH

MALACA

MANILA BAY

NOONG DEC

NOONG FEBRUARY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with