Karne from China, si Percy Lapid ang nagbulgar
November 23, 2006 | 12:00am
BILIB ako sa ginawang pagbubulgar ni Percy Lapid, ang hard hitting columnist ng Hataw at Police Files dahil siya ang kauna-unahang practitioner na nagbulgar sa illegal shipments sa Bureau of Customs ng mga karne from China na pinag-uusapan ngayon.
Tinatakut-takot si Percy ng mga gago sa bureau dahil siya ang gustong gilingin sa ginawa niyang pagbubulgar sa kawalanghiyaan ng mga gago sa Bureau of Customs. Sabi nga, gagawing torta!
Last two months pa binabakbakan ni Precy sa diyaryo ang apat na containerized vans na itinago ng mga bugok sa isang warehouse para nakawin ang mga laman nito. Million of pesos kasi ang pitsang inilabas ng mga sindikato para ipanakaw ang mga karne at gawing hamon, longganisa at tocino sa mga buyers nito. Sabi nga, panghabol sa Christmas season.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang karne from China ay ipinagbabawal sa Pinas dahil may sakit. Ika nga, not fit for human consumption. Sabi nga, imbalsamado? He-he-he!
Matindi ang offer kay Percy ng mga sindikatong nagsabwatan para ipasok sa Pinas ang karne nang madiskubre niya ito pero binalewala ang pakiusap ng mga bugok.
Kaya naman si Percy ay may death threats ngayon at pinagbabantaan ng mga gago na ipaghaharap ng kaso dahil sa paninirang puri. Sabi nga, libel!
Dehins kinatakutan ng ating bida ang mga pananakot ng mga walanghiya hanggat mali ang mga bandido sa bureau ay hindi niya ito tatantanan. Malaya kasing maglantad ng baho ang isang media practitioner sa mga taong nasa gobyerno basta tama lamang ang kanyang ibinubulgar.
May ebidensiya kasi si Percy kaya naman masyadong malakas ang loob na mag-expose ng baho. Dahil sa problemang ginawa ni Percy sa bureau lumaki tuloy ang apoy kaya naman pinag-uusapan ito ngayon ng mga taga-gobyerno.
Bakit ba binulgar ni Percy ang karne from China? tanong ng kuwagong nabukulan.
Siyempre alam ni Percy na masama ito sa madlang people oras na makain nila ang karne from China, sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Kamusta naman si Percy? tanong ng kuwagong maninisid ng tahong.
Maligaya siya ngayon dahil sa aksyong ginawa ng gobyerno regarding sa kanyang exposes.
Natatakot ba siya?
"Hindi noh?
Bakit?
Nasa tama kasi si Percy.
Sabi nga, kamote trabaho lang walang personalan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest