^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Papel ng barangays laban sa terorismo

-
GUMAGAPANG ang terorismo sa buong mundo. Lumalawak nang lumalawak ang nilalakaran ng mga terorista at kabilang dito ang Pilipinas. Matagal nang nakasakmal ang terorismo sa bansa. Bago pa ang "9/11" attack, nakaranas na ang bansa nang madudugong atake ng mga terorista. Hindi malilimutan ang limang magkakasunod na pambobomba sa Metro Manila noong Dec. 30, 2000 kung saan maraming namatay. Sinundan ng mga pambobomba sa pampasaherong bus, super ferry, pier, airport, at sa karamihan na ng mga tao. Kagaya ng nangyari may dalawang linggo na ang nakararaan sa Makilala, North Cotabato kung saan masayang nagdaraos ng piyesta ang mga tao sa munisipyo. Labindalawa katao ang namatay sa pambobombang iyon.

Patuloy na nagbabanta ang mga terorista. Magkakaroon daw ng pambobomba sa Metro Manila. Dalawang malalaking malls daw ang bobombahin. Naka-double red alert ang Philippine National Police. Ang mga teroristang Abu Sayyaf, Jemaah Islamiyah at Raja Sulaiman Movement ang nagsasagawa ng pambobomba. Ang Sayyaf at Jemaah ay nakakukuha ng suporta sa Al-Qaeda movement ni Osama bin Laden.

Madulas ang mga terorista at nahihirapan ang mga Armed Forces of the Philippines sa pagtugis. Sa kabila na sinasabing maliit lamang ang miyembro ng mga terorista, hindi sila maubos. Hinala ng AFP, maraming kasabwat sa lugar ang mga terorista at naiti-tip ang kanilang galaw kaya madaling nakatatakas.

Nagpanukala ang Department of Interior and Local Government (DILG) na gamitin ang barangays para mamonitor ang galaw ng mga terorista, partikular sa mga lugar sa Mindanao. Sabi ni DILG Sec. Ronaldo Puno, makatutulong nang malaki ang barangay level sa anti-terrorism campaign ng gobyerno. Sa pamamagitan ng pag-a-update ng barangay sa pangalang mga nasasakupang residente, madaling malalaman kung sino ang mga bagong dating o naninirahan. Madali na raw mairereport kung may mga kahina-hinalang mga tao sa barangay.

Maganda ang panukalang ito ng DILG at maaaring makatulong nang malaki sa pagpuksa sa mga terorista. Nararapat lamang na mamonitor ng DILG ang mga barangay na "hudas" at baka sa halip na puksain ang mga terorista ay kupkupin pa.

ABU SAYYAF

ANG SAYYAF

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

JEMAAH ISLAMIYAH

METRO MANILA

NORTH COTABATO

TERORISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with