^

PSN Opinyon

Makabangon na sana ang Pinoy nurses

HALA BIRA - Danny Macabuhay -
NAGING katawa-tawa si President Arroyo sa pinagkasunduan kung ano ang magiging desisyon sa mga kumuha ng nursing board exams. Papalit-palit ng desisyon si Arroyo sa isyu. Ang problema marami nang nakialam kaya lalong nataranta. Kaya Korte rin ang nagdesisyon na payagang manumpa ang mga nakapasa maliban sa mga pinagsususpetsahang sangkot sa dayaan.

Nagkaroon ng kaguluhan kasi kahit katiting na bagay na walang kinalaman sa nursing ay nakialam. Nakisali ang Commission ng Overseas Filipinos na pinamumunuan ni Dante Ang. Si Ang ang leader sa investigation at probe panel. May solid credibility ba siya sa ganitong linya? Ewan!

Ang expertise ni Ang ay public relations at image-building. Malaki ang naitulong ni Ang kay Arroyo. Siya ang humawak ng mga propaganda at publicity requirements ni Arroyo mula pa noong ito ay senador, vice president hanggang sa maging presidente.

Paborito sa buong mundo ang Pinoy nurses nuon. Sila ang hinihiling ng mga hospital at mga care centers sa US, Canada at ibang bansa sa Asia. Pero biglang lumamig ang pangangailangan sa mga Pinoy nurses dahil sa dayaan.

Ngayong nagdesisyon na ang Korte sa nursing board exam sana naman makabangon na ang Pinoy nurses.

vuukle comment

DANTE ANG

EWAN

KAYA KORTE

KORTE

MALAKI

OVERSEAS FILIPINOS

PINOY

PRESIDENT ARROYO

SI ANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with