Cable company sa Palawan nagpapalabas nang malalaswa
September 29, 2006 | 12:00am
NOONG nakaraang taon, isang cable company na naglalabas ng malalaswang palabas sa pamamagitan ng kanilang chatroom ang tinuldukan ng BITAG.
Agad itong naipasara ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at National Telecommunications Commission (NTC) sa pamamagitan ng BITAG.
At ngayon, isa na namang cable company ang naispatan ng BITAG sa Palawan. Nasa Palawan ang BITAG para sa isang bakasyon.
Napag-alaman ng BITAG na ang CATV sa Palawan ay nagpapakita ng mga malalaswang panoorin.
Nakalantad ang mga hubot hubad na katawan ng mga lalaki at babae habang isinasagawa ang kanilang kalaswaan. Walang pakundangan din kung ipakita ng cable channel na ito ang garapalang pang-aabuso sa alak at droga.
Ang nakapagtataka, maging sa umaga ay puwedeng mapanood ang kalaswaang ito. Oras kung kailan maraming bata ang nakatutok na sa telebisyon.
Nakakapagtakang nakalusot sa mga mata ng MTRCB at NTC ang ganitong uri ng palabas.
Tinatawagan ng pansin ng BITAG ang pamunuan ng MTRCB at NTC, gawin nyo ang inyong trabaho.
Huwag kayong magbulag-bulagan at magtulug-tulugan sa pag-monitor ng mga programang ipinalalabas sa telebisyon.
Kung hindi ninyo magawang gampanan ang inyong trabaho, ang BITAG ang siyang gagawa nito para sa inyo.
At sa mga cable companies na patuloy sa pagpapalabas ng mga malalaswang palabas, humanda na kayo.
Dahil sa susunod, sisiguraduhin naming matutuldukan ang inyong pagbubulag-bulagan.
Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended