^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Corruption sa gobyerno ang unahing lutasin

-
MABUTI at matapang magpahayag ang World Bank na ang Pilipinas ay walang ginagawang matibay na paraan para malutas ang lumulubhang corruption. At least ang nagsabi ay taga-labas mismo kaya walang preno sa paglalantad ng kanilang reklamo o batikos. Bukod sa talamak na corruption na inireport ng World Bank na nakasaad sa kanilang "Governance Matters 2006: Worldwide Governance Indicators" binatikos din ang klase ng pamumuno sa Pilipinas. Sabi pa ng World Bank, sa kabila na ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa at isa sa may pinakamalayang pamamahayag, hindi pa rin maputol ang nangyayaring corruption. Palubha pa nang palubha. Ayon sa report ng WB, noong 1998 ang ranking ng Pilipinas sa pagkontrol sa mga corrupt ay 50.5 percent subalit nakapagtatakang bumaba sa 37.4 noong 2005. Malaki ang nangyaring pagbaba na nagpapakita lamang na walang ginagawa ang gobyerno para malutas ang pagnanakaw sa gobyerno. Tinalo pa ng Indonesia at Cambodia ang Pilipinas na tumaas ang ranking at lumalakas pa para labanan ang katiwalian sa kanilang bansa.

Hindi pa natatagalan nang ireport din ng World Bank na ang Pilipinas ay nasa nakadidismayang puwesto na iniiwasan ng mga dayuhang investors. Ang dahilan ng pag-iwas: Talamak na red tape. Only in the Philippines na maraming papeles na kakailanganin bago makapagbukas ng negosyo at hindi kikilos ang mga papeles kung walang "padulas" na pera. Kung malaki ang nakaipit na pera hindi na mahihirapan at ayos na agad. Kung maliit, tatagal ang proseso. Ony in the Philippines lamang ito. Dito sa Pilipinas may mga "buwaya" na walang kabusugan.

Ang sinabi ng World Bank ay mariin namang binatikos ng Malacañang. Hindi anila nagkukulang ang gobyerno ng Pilipinas kung ang tungkol sa pamumuno ang pag-uusapan at lalong hindi naman naging malambot sa paglaban sa mga tiwali sa pamahalaan. Walang katotohanan ang sinabi ng World Bank.

Mahinang pamumuno at labis na katiwalian ang nakikita sa Pilipinas. Nakadidismaya at nakahihiya ito. At natural na hindi tatanggapin ng Malacañang ang komentaryo o obserbasyon ng World Bank.

Walang pinakamabuting magagawa kundi unahin ng Malacanang na malutas ang labis na katiwalian. Hindi na sekreto ang problemang ito. Ang taumbayan ay sukang-suka na sa mga katiwaliang nagaganap. Iprayoridad ito.

BANK

GOVERNANCE MATTERS

MALACA

PILIPINAS

WALANG

WORLD

WORLD BANK

WORLDWIDE GOVERNANCE INDICATORS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with