^

PSN Opinyon

Mga illegal fishing walang puwang sa PRO6

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KUNG dati’y namamayagpag sa karagatan ng Western Visayas Region itong mga tusong mangingisda dala marahil sa kakulangan ng presensiya ng mga kapulisan, mula nang umupo si P/BGen. Randulf Tuaño at pamunuan ang Regional Police Office-6, aba’y nagbago ang ikot ng buhay ng mga mangingisda. Nabawasan ang mga salot sa karagatan kaya unti-unti na silang nakakahuli ng mga isda sa legal na pamamaraan.

Sa kautusan kasi ni Tuaño, walang puwang itong mga mangingisda na gumagamit ng mga ipinagbabawal na lambat katulad ng Troll at Pukot dahil naapektuhan dito ang maliliit pang isda kaya’t kumakaunti ang nahuhuli ng mga legal na mangingisda. At dahil sa pagtutok ni PRO-6 Director P/BGen. Tuaño sa matagal nang problema ng Bureau of Fishery, sandamakmak na mga kagamitang pandagat ang nakukumpiska ng mga nagpapatrolyang pulis sa karagatan na nasasakupan ng Panay Island. Hehehe!

Sa pinagsamang accomplishment report ng PRO6, may 58 operasyon kontra illegal fishing sa buong rehiyon na nagresulta sa pagkaaresto sa 98 katao. Tinatayang P11,360,00 halaga ng mga kagamitan at motorboat ang nakumpiska.

Kung sabagay hindi naman magiging matagumpay ang operasyon ng mga kapulisan kung walang suporta o kasama sa paghahabol sa mga illegal fishing ang mga Local Governmet Units, ‘Bantay Dagat’, Philippine Coast Guard at iba pang ahensiya ng pamahalaan at syempre ang mga mamamayan mismo. Hehehe! Iba talaga ang resulta kung lahat ng mga kapulisan ay sama-samang nagsasagawa ng mga paghahabol sa mga illegal na ma­ngingisda sa kanilang area of responsibility. Di ba mga suki!

Kaya’t para doon sa mga tumatawid dagat na illegal na nangingisda sa nasasakupan ni Tuaño, mag-isip-isip muna kayo bago kayo sumugod at mangisda sa mga karagatan ng Panay dahil hindi kayo sasantuhin ng mga nagpapatrulyang kapulisan.

FISHING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with