Western Visayas, zero focus crimes in 2 days!
SA biglang tingin, next to impossible itong walang 8-focused crime na mangyari sa isang rehiyon. Subalit nangyari ito sa Western Visayas. At nangyari ‘yan mga kosa mula Hulyo 9 hanggang Hulyo 11 na nagpapakita ng epektibong hakbang sa crime prevention at pagpapanatili ng kaligtasan ng taumbayan sa PRO6.. Batay sa PRO6 Regional Operational Accomplishment Dashboard, walang naitalang insidente ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping ng mga sasakyang de-motor, at carnapping ng mga motorsiklo sa nasabing period. Purbidang yawaahhhhh! Ang resulta ay nagpapakita ng kahalagahan ng mga hakbang sa pag-iwas sa krimen, may pinaigting na police visibility, intelligence-driven operations, at matibay na pakipag-ugnayan sa LGUs at komunidad at iba pang stakeholders. May punto! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Dahil sa kawalan ng focused crimes, naka-focus ang tauhan ni PRO6 director Brig. Gen. Randulf Tuaño sa paghahanda at pagtugon sa epekto ni Typhoon Inday. Nag-deploy si Tuaño ng mga pulis sa evacuation centers, nagpapanatili ng mahigit 1,000 Reactionary Standby Support Force personnel na nakahandang mai-deploy agad. Alinsunod sa kautusan ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr., mahigpit na tinutukan ng rescue teams ni Tuaño ang landslide at pagbaha sa bayan ng Alimodian, Leon, TUbugan, Leganes, Pototan, Tubungan, Jaro floodway at Iloilo City at sa Sibalom, Antique. Sanamagan!
Kahit may bagyo, tuluy-tuloy lang ang pagpapatupad ng mga operatiba ni Tuañ0 ng batas at mga hakbangin laban sa illegal drugs, wanted persons, loose firearms, illegal gambling, at iba pa. Kalakip na dito ang pagsulong ng police visibility, intelligence gathering, at pakipagkooperasyon sa mga LGUs at taumbayan. Bagama’t nagsisilbing positibong indikasyon ng public safety ang dalawang magkasunod na reporting periods na walang naiulat na focus crimes, binigyang-diin ng PRO6 na hindi ito dahilan upang maging kampante. Kundi isa itong hamon upang lalo pang paigtingin ang mga hakbang sa crime prevention at mapanatili ang mataas na antas ng kahandaan sa pagtugon sa anumang banta o emergency. Sal-it!
Sa ngayon, mahigpit na binabantayan ng kapulisan ang mga “high risk” areas ng PRO6. Anong sey n’yo mga kosa? Abangan!
- Latest

















