Panloloko sa US visa inuusisa ng embassy
August 8, 2006 | 12:00am
DAHIL sa pambababae ng isang opisyal ng gobyerno, at sa pagpapalaglag sa America ng baby ng nabuntis na kalaguyo, masisira ang pangalan ng Pilipinas. Kasi, iniimbestigahan na ng US embassy ang paggamit ng mga pekeng official documents para makakuha ng US visa ang magka-pares.
Ang opisyal ay si Romeo German, head executive assistant ng Department of Transportation and Communications, at ang babae ay si Maria Waneza Dy, umanoy secretary niya sa DOTC. Nung Hunyo 22, 2006, may inisyu na travel order para pumunta ang dalawa sa America hanggang Agosto 1, 2006. Ang biyahe ay para umano sa "confidential assignments" at "official functions". May pirma pa ni DOTC Sec. Leandro Mendoza, pero malinaw na pinulot lang ito sa computer files. Ang travel allowance raw nila, na manggagaling sa intelligence funds ni Mendoza para exempted sa Commission on Audit, ay $400 a day kay German at $159 a day kay Dy. At para maniwala ang US embassy sa visa application, pumirma rin si Assistant Sec. Noel Cruz ng certificate of employment na kesyo kawani ng DOTC si Dy, miski hindi naman.
Lumipad patungong San Francisco, California sina German at Dy noong Hulyo 18, via Philippine Airlines flight PR-104. Tumira sila sa Hilton Garden Inn (2000 Bridge Pointe Circle, San Mateo, CA). Dapat nakauwi na sila ngayon. Wala sila ni isang "confidential assignment" o "official function" na inatupag. Ang sabi lang ng ama ng babae ay ipalalaglag daw ang sanggol ni Dy dahil masyadong bata nabuntis.
Kuwenta tumanggap si German mula sa DOTC ng $6,000, at si Dy ay $2,226. Idagdag pa rito ang tig-$1,000 na round-trip airline tickets, business class, kabuuang $11,826 o tumataginting na P626,778 ang winaldas ng dalawa.
Napag-alaman sa DOTC na hindi lang ngayon bumiyahe sa abroad ang dalawa. Nagpunta sila sa Singapore at Kuala Lumpur noong Abril 26, 2006, at umuwi nung Mayo 1, ayon sa records ng Bureau of Immigration. Ang baon nila noon ay galing din sa DOTC intelligence funds.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended