^

PSN Opinyon

Death threats sa photog ng Hataw

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
TINATAKOT pala ng mga gago sa General T. de Leon sa Valenzuela Metro-Manila si Ric Roldan, photog ng Hataw at mga pamilya niya dahil binangga niya ang grupo ng mga sindikato ng droga sa nasabing lugar.

Pinahuli kasi ni Ric ang isang gagong pusher sa kanilang place pero naglagak toits ng piyansa dahil ang kinargang kaso ay possession lamang pero kilala itong notoryus pusher ng kanilang mga kapitbahay. Sabi nga, nagkaayusan siguro?

Noong Pebrero, nakalawit ng mga tulisan este mali kapulisan pala ang gagong pusher matapos magreklamo ang mga residente pero gumanti ang mga galamay nitong nagbebenta ng droga sa anak ni Ric. Pinagsasaksak ang bata sa iba’t ibang bahagi ng wangkata nito pero dehins naman natigok. Sabi nga, may awa si Lord!

Mula nang mapasok ang gagong si alyas Kabayo sa kulungan ay dehins na rin pinatahimik ng kanyang mga galamay ang nasabing lugar kasi gusto nilang iparamdam ang sama ng loob nila sa nangyari sa kanilang among gusgusin na pusher.

Paging PNP-NPD bossing Leopoldo Bataoil, baka naman pati si Ric ay masama sa listahan ng mga binalot ng diyaryo diyan sa iyong jurisdiction. Sabi nga, bantayan ninyo ito!

Police visibility, mobile patrols, barangay patrols ang kailangan para mawala na ang mga gagong adik sa nasabing lugar. Hulihin at ikulong pero huwag pitsain ng mga kamoteng lespiak ang mga gagong masusungkit.

Noong si Senator Fred Lim pa ang Mayor ng Maynila dehins umubra ang mga pusher at adik todits naglayasan sila dahil may mensahe ang magiting na Mayor noon.

‘‘Kung ayaw ninyong makaharap si Satanas sa iba kayo umebak at huwag sa Maynila.’’

‘‘Sana magkaroon ng sona sa Gen. De Leon St., para malipol ang mga gago dito at siga na may mga records sa pulisya,’’ anang kuwagong barangay kawatan.

‘‘Dapat nga,’’ sagot ng kuwagong pulis na naglalanggas ng galis.

"Ano ngayon ang dapat gawin ni Ric and Family niya?’’ tanong ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Mag-ingat mahirap ng maunahan,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Nagbabantay pala ang grupo ng Alyansa ng Filipinong Mamamahayag sa magiging aksyon ng katulisan este mali kapulisan pala sa sinasabi ng Chief Kuwago’’

‘‘Kamote, abangan natin ang mangyayari!’’

CHIEF KUWAGO

DE LEON ST.

FILIPINONG MAMAMAHAYAG

GENERAL T

LEOPOLDO BATAOIL

MAYNILA

NOONG PEBRERO

RIC

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with