Rebolusyon kung walang Cha-cha
August 4, 2006 | 12:00am
MAY item sa salaysay ni Magdalo Lt. Lawrence San Juan na hindi pansinin ng mga imbestigador. Ito yung pag-handle niya ng presentasyon ng mga programa sa mga elders at recruits ng rebeldeng grupo nung 2005, habang dapat siyang nakakulong noon sa kampo dahil sa 2003 Oakwood Mutiny. Aniya, de-kahon ang presentasyon, pero siningitan niya ng maikling film documentary tungkol sa hinahangaan nilang si Hugo Chavez.
Sino ba itong si Chavez at bakit siya ini-idolo ng Magdalo? Siya ay dating military officer na kasalukuyang Presidente ng Venezuela. Una siya sumubok sa pulitika nung 1992 sa pamamagitan ng tangka at natalong kudeta. Kinulong siya, pero ang presidenteng kinudeta ay na-impeach nung 2003, at nakalaya si Chavez nung 1994. Binayani siya sa mahihirap dahil sa pagkontra sa katiwalian. Umanib siya sa maka-Kaliwang partido at nanalong Presidente nung 1998 at nung 2000. Nung 2003 sinubukan ikudeta si Chavez. Nang madurog ang kalaban, pinagbintangan niya ang America ng pakanang pagpapabagsak sa kanya. Kinumpiska niya ang mga pribadong industriya, winasak ang oposisyon, at naglunsad nang maraming programa para sa maralita pero palpak lahat. Matapos ipanalo ang referendum ng 2004, napalapit si Chavez kay Fidel Castro ng Cuba at kay Evo Morales ng Bolivia, isang dating nagtatanim ng cocaine.
Tinutularan ng Magdalo si Chavez. Pinag-aaralan ang kanyang pag-angat, paglatag ng diktadurya, at paglunsad ng umanoy rebolusyon para sa maralita. Hinahangaan nila ang popularidad ni Chavez. Nakakakilabot na nais nila itatag ang diktadurya sa Pilipinas sa ngalan din ng mahihirap. Pero aabuso at magpapayaman din sila tulad ni Chavez.
Nakakabahala lalo na malapit nang mangyari sa Pilipinas ang nangyari sa Venezuela. Disgustado na ang masa sa Venezuela sa sistema nila kaya humalal ng sundalong naging diktador. Kasi, ayaw baguhin ng elite ang sistema sa paraang constitutional reforms. Ganun ngayon sa Pilipinas, kung saan ang mayayaman, sa pamamagitan ng One Voice, ay gumugugol ng P260 milyon para siraan ang Charter change.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am