^

PSN Opinyon

Mga batang Magdalo kinasangkapan lang

SAPOL - Jarius Bondoc -
ANI Lt. Lawrence San Juan, labis siyang nagsisisi na ipinagsanib niya ang mga Komunista at rebeldeng sundalo para magkudeta sana nu’ng Feb. 24. Nabulag daw siya ng kapalaluan na kaya niyang baguhin ang mundo. Pero sa affidavit niya, matatanto na kinasangkapan lang ng mga may kani-kanilang lihim na interes ang mga bata’t ideyalistang Magdalo.

Kabilang sa mga nanggamit umano ay mga retiradong AFP officers: Gringo Honasan, Jake Malajacan, Felix Turingan, Rafael Galvez, Vic Batac at Mel Acosta. Sina Gringo at Malajacan ang nagbigay kay San Juan ng tatlong rifles: isang M14, isang M-16, at .50-caliber pang-sniper. Naroon din si Eki Cardenas, deputy executive secretary ni Joseph Estrada, na dalawang beses pinagamit ang bahay sa pagre-recruit ni Gringo; si Sen.Panfilo Lacson na nagbigay daw ng laptop. Kapulong din sina Brig. Gen Danny Lim at Col. Ariel Querubin.

Sa panig ng Kaliwa ay mga lumang Komunista sa New People’s Army sa Batangas; mga kontak na Atty. Christopher Belmonte at Ruel Pulido; at Catholic Bishop Antonio Tobias na nagkupkop kina San Juan nang isang buwan nu’ng Enero-Pebrero 2006. Kapulong din sina dating University of the Philippines head Dodong Nemenzo at RC Constantino.

Kinumpirma sa affidavit ni San Juan ang marami nang detalye tungkol sa Oakwood Mutiny nu’ng July 2003 at tangkang kudeta nitong Peb. 24 — ngunit binalewala ng media. Totoo pala ang alyansa ng extreme Left at Right para itumba ang gobyerno at maglatag ng junta.

Pero ang nakakabigla ay, sa loob ng dalawa’t kalahating taon ni San Juan sa Magdalo, inabutan siya ng mga financiers ng destabilization ng P40,000-P50,000, ngunit naulinigan niya si Ltsg. Antonio Trillanes na tumanggap ng tumataginting na P28 milyon.

Nakakatakot din ang scenario na sinusunod ng Magdalo. Ito’y ang magkaroon ng Pangulong dating sundalo, ala-Hugo Chavez ng Venezuela, na kukumpiska sa mga malalaking negosyo at aatake sa US. Mag-isip-isip na sana ang mayayamang nagpopondo ng kudeta; patay sila sa Magdalo.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

ARIEL QUERUBIN

CATHOLIC BISHOP ANTONIO TOBIAS

CHRISTOPHER BELMONTE

DODONG NEMENZO

EKI CARDENAS

FELIX TURINGAN

MAGDALO

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with