^

PSN Opinyon

Criminal friendly si Madam Gloria!

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
"CRIMINAL friendly," ito ang angkop na angkop na description ni Gng. Thelma Chiong sa ginawang pag-salba ni Madam Senyora Donya Gloria sa lahat ng criminal na hinatulan ng kamatayan.

Galit, sama ng loob, poot, hinagpis at higit sa lahat walang katarungan ang malamang na nasa sa loob ni Ginang Chiong at iba pang mga ina, ama, asawa at kapatid ng mga biktima ng karumal-dumal na krimen sa "criminal friendly" na kilos ni Madam Senyora Donya Gloria.

Si Ginang Chiong nga pala ang ina ng dalawang dalagang pilit na kinuha ng pitong kalalakihan sa labas ng Ayala Mall sa Cebu nuong 1997. Pagkatapos halinhinang gahasain at pinatay si Marijoy at Jacqueline at itinapon sa isang malalim na bangin. Hindi na natagpuan ang bangkay ni Jacqueline.

Bakit naman hindi? Sila naman ngayon ang sinaksak at si Madam Senyora Donya Gloria pa mismo at doon pa mismo sa kanilang puso na kahit paano ay naghihilom dahil sa panahon at sentensyang kamatayan ng mga kriminal na kumitil sa buhay ng kanilang mga mahal sa buhay.

Buong akala nila ay may katarungan kahit ba hindi na maibabalik ang kanilang mga mahal sa buhay, ng hatulan ng ating mga korte ang mga kriminal ng kamatayan, pero mali silang lahat. Sa dahilang nais kunin ang suporta ng simbahang Katoliko sa kanyang Cha-Cha ay mass commutation ang ginawa ng Malacañang.

Kawalan ng pag-asa, kawalan na paniniwala sa hustisya at higit sa lahat tindi ng galit at poot ang nararamdaman ng mga pamilya at kaibigan ng mga biktima.

Komo si Madam Senyora Donya Gloria ang may gawa nito, saan tutungo ang mga taong may kapatid, anak o asawang ni-rape? Saan pupunta ang mga magulang, kapatid at kaibigan na sinira ang buhay ng mga drug lords? Kanino hihingi ng tulong ang mga magulang, asawa, kapatid, kamag-anak at kaibigan ng mga pinatay ng bomba ng mga terorista? Paano ang mga kapamilya at kapuso ng mga pinatay?

Wala silang magagawa kung hindi kimkimin ang kanilang galit dahil matindi ang nakuhang kakampi at abogado ng mga kriminal, mismo si Madam Senyora Donya Gloria na nagmamalasakit sa mga rapists, murderers, kidnappers, drug lords, terrorists at iba pang gumawa ng heinous crime sa pamamagitan ng malawakang pagpapatawad at pagliligtas sa death penalty ng mga death row convicts at iba pang hahatulan ng parusang kamatayan.

Pero paano kung hindi na kayang kimkimin ang galit? Paano kung maisip ng isa sa mga kaanak o kaibigan ng mga biktima na isakamay ang batas? Kung wala nang death penalty dahil inalis na nga ni Atty. Madam Senyora Donya Gloria for the convicted criminals, libre na rin ang sinumang gun for hire na utasin ang buhay ng isa sa criminal at hindi na siya mahahatulan ng bitay o ang umupa sa kanya.

Sabi nga ni Mang Ramon, isang taxi driver na nasakyan ko, sa susunod pag nakita namin ang mga holdupper na pumapatay ng taxi driver hindi na namin isusuplong sa pulis, papatayin na lang namin. Ganti-ganti na lang.

Gantihan, bengansa, ubusan, gulo -— yan ang ginawa ni Madam Senyora Donya Gloria —- ang Champion at tagapagtanggol ng mga "kaawa-awang" mga rapists, murders, drug lords, terrorist, kidnappers at iba pang criminals.

MABUHAY ang bagong crime lord!!!
* * *
Marami ang nagtext sa akin bilang reaksyon sa nakaraan kong column na pinamagatang WALA NANG DEATH SENTENCE, LIFE IMPRISONMENT NA LANG!

Mukhang sapol na sapol ang mga kampon ng kadiliman at nakaka-relate sila ng husto kay Monkey Queen at kay First Gorilla. Nasasaktan sila dahil sa mga banat ko sa Monkey Queen na palagay ko ay kamukha ng kanilang amo, kakampi, kaalyado, kasama, kapartido, kapamilya, kapuso o sipsip at linta.

Bakit ko nasabi ito, galit na galit sila dahil puro raw ako batikos laban kay Madam Senyora Donya Gloria? Inulit-ulit kong basahin, wala naman akong sinabing iisa si Madam Senyora Donya Gloria at Monkey Queen. Katunayan, sabi ko sa PIDAListan ang mga pangyayaring yun. PIDAListan na ba ang tawag sa atin, huling alam ko ang nais lang baguhin ng Cha-cha ay Constitution? Baka naman pati pangalan ng Pilipinas ay nais baguhin.

Ito namang si 09272028264 ay super ngitngit at nagbanta pa: "Bilang na araw mo, magdasal ka ng patawad, ulol, bilang na ang araw mo, p…….. ka, hayop ka, buwang." Puso mo, baka kunin ka agad ng lord mo.

Si 09062554742 naman ay tagapagsalita raw ng youth group sa Dagupan at nanggagalaiti at puro raw ako paninira. Tataka lang ako, bakit ka tinatablan sa patuloy na istorya ng Monkey Queen, nanay mo ba siya? Kakampi mo ba siya? Kamag-anak mo ba siya?

Ngitngit din siya dahil wala raw katotohanan na 99 percent ang galit kay Madam Senyora Donya Gloria. May sinulat ba akong ganun? Sabi ko kay Monkey Queen, lumalabo yata paningin mo. Batu-bato sa langit ang tamaan sapol. He-he-he!

Si 09215386853 naman, atakihin daw sana ako sa puso. Ikaw ang maghunos dili, puso mo asikasuhin mo at baka sumobra ka sa kinakain mong matataba at barahan ng cholesterol. Baka hindi mo pakinabangan ang yaman mo, hindi mo ito madadala sa hukay.

Sa mga daan-daang nagagalit naman kay Monkey Queen, maraming salamat sa inyong mga text at e-mails. Lahat ho yan binabasa ko pero hindi mailathala dahil sa dami. Sisikapin kong pagbigyan ang ilan sa mga susunod na column. Muli humihingi ho ako ng pag-unawa. TULOY ANG LABAN SA KASAMAAN!
* * *
Para sa anumang reaksyon o komento, text lang o e-mail sa [email protected] o [email protected] o mag-text sa 09272654341.

vuukle comment

AYALA MALL

DONYA

GLORIA

MADAM

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

MONKEY QUEEN

SENYORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with