^

PSN Opinyon

‘Pakiulit po ang tungkol sa bawang, paminta at luya’

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
"HINDI po ako nakabili ng isyu ng Pilipino Star NGAYON kung saan tinalakay mo ang tungkol sa kahalagahan ng bawang, paminta at luya. May nakapagsabi lamang po sa akin kaya ko nalaman. Puwede po bang i-request na pakiulit ang tungkol doon? Marami pong salamat." — Mrs. Eden Manalastas

Ang ating katawan ay madaling kapitan ng bacteria at viruses. Kapag humina ang immune system ng katawan dito na magsisimula ang pagkakaroon ng mga infections. Ang mga taong under stress ang madaling magkasakit at humina ang immunity.

Pero alam n’yo ba na may mga pagkaing pinasisigla ang ating immune systems kaya natutulungan ang katawan na labanan ang infection.

Ang bawang, paminta at luya ay malaki ang naitutulong para mapangalagaan ang katawan sa infection.

Ang bawang ay napatunayang mahusay para sa infection. Bukod sa paglaban sa infection, may antibacterial din ito na nababawasan ang panganib sa pagkakaron ng blood clot. Mabuti rin ang bawang para mapababa ang high blood pressure,

Ang dinikdik na luya at paminta ay ginagamit ng mga herbalists para panggamot sa sipon. Ang katas ng cramberries ay matagal nang ginagamit para magamot ang urinary tract infections. Nilalabanan naman ng pagkain ng yogart ang after effect nang pag-take ng antibiotics.

Huwag maliitin ang nagagawa ng bawang, luya at paminta at marami pang pagkain.
* * *
Grand opening at inauguration ng Mother Teresa of Calcutta Medical Center sa San Fernando, Pampanga sa February 28, 2006. Magkakaroon ng motorcade sa ganap 8 a.m. at susundan ito ng Holy Mass na gaganapin sa compound. Isusunod ang pag-cut ng ribbon. Ang mga dignitaries na dadalo ay sina Gov. Mark Lapid, Rep. Rey Aquino at Mayor Oca Rodriguez.

Ang magbibigay ng welcome remarks ay si Dr. Rey Melchor F. Santos samantalang ang magpapakilala sa guest speaker ay si Malu P. Lacson. Ang guest speaker ay si Levi Laus. Ang bibigkas ng inspirational message ay si Vilma Caluag. Ang closing remarks ay idedeliber ni Dr. Noel Evangelista.

Ang Mother Teresa of Calcutta Medical Center ay mga makabagong equipment na tulad ng mga ospital sa Metro Manila. Ang PhilHealth care credentials ng ospital ay available na sa kalagit- naan ng Marso. Ang pinakamodernong linear accelerator at ang pinakabagong Equinox cobalt unit ay malapit nang maging available sa ospital.

Ang liberal arts building ganoon din ang college of nursing at iba pang para-medical professionals ay malapit nang itayo sa compound ng medical center. Ang ophthalmology service ay malapit nang matapos.

ANG MOTHER TERESA OF CALCUTTA MEDICAL CENTER

DR. NOEL EVANGELISTA

DR. REY MELCHOR F

HOLY MASS

LEVI LAUS

MALU P

MARK LAPID

MAYOR OCA RODRIGUEZ

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with