^

PSN Opinyon

Reaksyon sa ‘Maynilad’ column

- Al G. Pedroche -
MAY isang grupo ng mga kababayan natin na nag-react sa naisulat kong column kamakailan kaugnay ng paniningil ng mas mataas ng Maynilad Water Services sa mga residenteng may tindahan. Ito pala’y policy ng mga pribadong distributor ng tubig kasama na ang Manila Water. Natuwa ang mga kababayan natin sa ating munting pilantik sa ganyang patakaran.

Kasama na rito ang mga residente ng Brgy. Mayamot, Antipolo City sa pangunguna ni Mrs. Nelson Ventura. Ang kompanya ng tubig na nakasasakop sa kanila ay ang Manila Water.

Ang mga residenteng may tindahan, kahit pa maliit, ay klasipikadong "semi-business." Kaya ko naman ito naisulat upang punahin ay dahil first time magkaroon ng serbisyo ng tubig sa aming lugar sa Sunriser Village sa Novaliches, Caloocan City. Dati’y umaasa lang kami sa inirarasyong tubig ng mga delivery tankers o kaya’y sa tubig na mula sa aming pinahukay na poso. Yung mga kapitbahay kong may tindahang maliliit ay dumulog sa akin matapos makatanggap ng abiso mula sa Maynilad na nagsasabing mas mataas ang dapat nilang bayaran sa tubig.

Hinihintay pa rin natin ang eksplanasyon ng Maynilad. Natuwa naman ang ibang store owners sa ating sinulat dahil nagreklamo na rin pala sila pero ang sinabi’y talagang ganoon ang patakaran. If that is the case at may conforme o pagsang-ayon ang mga residente wala na nga siguro tayong magagawa maliban na lang kung ang mga mambabatas natin ay kuwestyunin ang ganyang policy at baguhin sa kapakanan ng mamamayan. Dapat namang manghimasok ang gobyerno dahil kaya nagtatayo ng tindahan ang pamilya ay dahil kulang ang kinikita. Tapos, babawasan pa? Sa kaso naming first timer sa pagkakaroon ng serbisyo ng tubig, hindi naman marahil masamang mag-usisa lalo pa’t kapakanan ng taumbayan ang pinag-uusapan.

Ang Maynilad at Manila Water ay parehong pribadong distributor ng tubig. Hindi gobyerno para maningil ng ano mang butaw, taripa o buwis. Uulitin ko ang tanong ko noon.

Ang maliit na tindahan ay hindi nagdudulot ng dagdag na gastusin sa panig ng Maynilad, bakit dapat magbayad ng malaki ang mga residente? Hindi ko maintindihan. Ang lagay ba naman, may tax na sa gobyerno, may tax pa sa pribadong provider ng serbisyo?

ANG MAYNILAD

ANTIPOLO CITY

CALOOCAN CITY

MANILA WATER

MAYNILAD

MAYNILAD WATER SERVICES

MRS. NELSON VENTURA

NATUWA

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with